Chapter 48 Linger

5.1K 61 7
                                    

A/N: Sorry for a whole week delay before a proper update.... :) Maikli lang 'tong chapter na 'to... Pasensiya na....

-------------------------------------------------

Umiiyak akong nahiga sa aking kama. Nakapalit na ako at nakapantulog na.

Umuwi kaagad ako kanina dahil feeling ko masu-suffocate na ako sa loob ng kotse. Pero minabuti ko munang ibalik yung bracelet sa pouch. Siniguro ko ring nasa ayos ang lahat sa loob ng kotse bago ako  umalis.

Tuliro pa nga ako habang palabas kanina ng kotse. Nasa state of shock pa rin ang utak ko dahil sa lahat ng mga sikretong nadidiskubre. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi ng walang nangyayaring masama sa akin.

At heto ako ngayon, mugtong-mugto ang mga mata sa kaiiyak. Hindi malaman kung ano ang dapat na gagawin. Halos dalawang oras na yata akong umiiyak at tulala lang.

Maya-maya nakarinig ako ng tunog ng kotse. Malapit kasi yung garage sa kuwarto ko kaya maririnig talaga iyon.

Si JiHoo!

Iyon kaagad pumasok sa isip ko ng marinig ang tunog ng kotse.

Narattle ako sa pagdating niya.

Kakausapin ko ba siya? Tatanungin? Handa na ba ako sa lahat ng posibleng sagot? Handa na ba ang puso kong masaktan kung sakali?

 

I decided that I will talk to him tomorrow na lang. Parang di ko pa kasi kayang kausapin ito ngayon. Masama pa ang loob ko sa lahat ng mga nangyayari at ayokong kausapin ito na ganito ang aking nararamdaman. Gusto kong kapag kinausap ko ito ay yung mahinahon ako at clear na utak ko.

Nakarinig ako ng mga yabag.

Si JiHoo na siguro iyon at patungo na sa kuwarto nito. From the hagdan, kapag nagturn left mauuna kuwarto ni JiHoo then sunod yung akin.

Narinig ko ang pagtigil nga ng mga yabag sa kuwarto nito. Pagkatapos ng ilang segundo, nagulat ako na imbes tunog ng pinutan maririnig ko ay mga yabag ulit. This time, patungo na ito sa direksyon ng kuwarto ko.

Syete! Pupunta ba si JiHoo dito? I’m not ready yet!

Tumigil nga yung mga yabag sa harap ng pintuan ng kuwarto ko.

Noooooooooooooooooo!

 

Agad kong pinikit mga mata ko at nagkunwaring mahimbing na natutulog.

Pinakiramdaman ko si JiHoo. Pinihit nga nito yung doorknob at tahimik na pumasok sa loob ng kuwarto ko.

Naramdaman ko ang pagtayo nito sa tabi ng kama ko.

Tcccchhhh!

Naiiyak na naman ako! Naiiyak ako sa presence pa lang ni JiHoo sa tabi ko. Naiiyak ako dahil kung kalian nagdecide akong kausapin ito bukas na lang ay bigla itong dumating. Naiiyak ako dahil naduduwag akong kausapin ito ngayon. Naiiyak ako dahil naiiyak din puso ko. Basta naiiyak ako!

Tuluyan na ngang tumulo luha ko sa mga mata ko. Pinilit ko paring magkunwaring tulog.

Hindi ko inaaasahan ang sumunod na ginawa ni JiHoo. He gently wipes the tears fell down from my eyes.

Tapos maingat itong umupo sa tabi ng aking kama.

Nanatili itong nakaupo and I can feel that he is staring at me. I continued my sleeping pretention and wish that he would go away already.

Please JiHoo….bukas na lang….

Then naramdaman ko ang dahan-dahang paghawak ni JiHoo sa aking nakabukas na palad. He enclosed his hand with mine. He held my hand for a moment. And while still holding my hand, I was stunned when I felt him move closer to my face and gave me a soft kiss in the forehead.

Next, he whispered something into my ears.

My heart softens with what he said.

Ramdam ko na namang parang maiiyak ako. This time, pinilit ko na talagang kontrolin mga luha ko.

Tumayo na si JiHoo mula sa pagkakaupo sa kama at lumabas ng kuwarto. Narinig ko na rin ang pagpasok nito sa sarili nitong kuwarto.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at umupo sa kama. This time, umaagos na mga luha kong pinilit kong itago kanina. I silently cried sa takot na baka marinig ako ni JiHoo na nasa kabilang kuwarto lang.

“Boapseyo…….alhamseyo……..taikseyo………..Please remember that….”

That is what he whispered to me.

He said them. The magic words. With those words, my aching heart calmed and instantly feels a lot better than earlier.

Tomorrow. Tomorrow, I’m gonna ask him about everything. I’m gonna ask to remove all the doubts circulating in my mind – to have a peace of mind.

“Boapseyo…….alhamseyo……..taikseyo………..Please remember that….”

The words still lingered in my mind. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagplaplay sa utak ko.

He already said those words twice in our word game to me. Then this – for the third time he said them again.

“Kaabseyo alhamseyo indseyo taikseyo…….” Bulong ko sa kawalan.

Then something hit me.

I just realized that I haven’t said those words to him. I haven’t told him that I love him….

Not even once…

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon