Chapter 55 Hana

5.2K 103 18
                                    

================================================================

A/N: I'M HYPERVENTILATING! HAHAHAHA!

Ang gulo lang ng chapter na ito....ang gulo at ......... hmmmmm.... read niyo na lang....

================================================================


 “…..And I’m taking back what is mine….”

Pagkasabi nun ni JiHoo alam niyo iyon, yung puso ko eh lumundag-lundag na naman ng bonggang-bongga! Tapos nakayakap pa ito sa akin. Langhap na langhap ko pabango niya. Naadik na nga yata ako amuyin eh. Sa sobrang dikit pa namin sa isa’t isa, feeling ko nga din, dinig na dinig ni JiHoo kung gaano kabilis tibok ng puso ko ngayon. Sana wag naman!

Wala man lang pasabi, bigla akong hinila ni JiHoo at tumakbo palayo kay Hero. Hindi ko na nagawang magpaalam pa kay Hero dahil sa ginawa ni JiHoo.

Takbo lang kami ng takbo. Di ko lam kung saan kami talaga pupunta at kung bakit kami tumatakbo.

Maya-maya, bigla kong naalala lahat ng nangyari sa araw na iyon. Ang araw na nalaman kong na kay JiHoo ang bracelet ko. Binabalot tuloy ng pag-aalinlangan naman ngayon ang puso ko na kanina lang ay sobrang saya dahil nga kasama ko na si JiHoo.

Pinalis ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni JiHoo. Dahil sa ginawa ko, napatigil ito sa pagtakbo at takang-takang tumingin sa akin.

Hindi ako umimik. Natatakot naman akong magtanong dahil natatakot ako sa mga puwedeng malaman. Kung noong isang buwan ay buo na loob kong tanungin ito. Iba na ngayon. Mula ng umalis ito ng araw na iyon, marami ng nagbago.

Oo, minsan – hindi, most of the time ay lagi kong pinagdadasal na sana bumalik na si JiHoo. Ngunit ngayong andito na siya, masaya nga ako, pero…

Mabilis akong naglakad palayo kay JiHoo.

Okay na siguro yung ganito ano? Yung aalis na lang ako at lalayo na. Yung hindi na lang ito tatanungin sa mga bagay na misteryo pa rin sa akin. Yung ibabaon ko na lang sa limot lahat. Para huwag na akong masaktan pa sa kung anuman ng mga kasagutan. Para hindi na ako umasa pa. Konsolasyon ko na lang, at least nakita ko siya sa huling pagkakataon. Tama na iyon.

Binilisan ko pa ang paglakad.

“AYA!!!”

Isa pa yan!

“AYA!!!”

>_<

“AYA, ANO BA!” hinawakan ni JiHoo braso ko. Nakahabol na pala ito sa akin.

“BITAWAN MO AKO!” medyo napalakas ang pagkakasabi ko nun.

Hindi ako binitawan ni JiHoo. “May problema ba Aya?” nakakunot-noo at naguguluhang tanong nito sa akin.

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon