Chapter 35 Bingo--Dragon!?

5.7K 79 14
                                    

 “Arghhhh” daing ko ng maramdaman ang pananakit ng ulo.

 Iminulat ko ang aking mga mata habang sapo ang ulong parang sasabog na yata dahil sa sakit.

 Medyo malabo pa rin ang paningin ko ng iminulat ko iyon. Lumipas muna ang ilang segundo bago naging malinaw lahat sa paningin ko.

 “Nasaan ako?!?” gulat kong usal ng bumungad sa akin ang hindi pamilyar na silid.

 Agad akong napabalikwas ng bangon mula sa aking pagkakahiga. Iginala ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid. Maliit lang iyon. Walang masyadong mga gamit. Ang naroroon lang ay isang maliit na table sa gilid ng kamang kinahihigaan ko. Yun lang at wala ng iba. Ni wala man lang bintana. Parang munting preso lang.

 Nakita ko yung eyeglasses ko sa gilid ng kama. Nahulog siguro iyon nung inihiga ako sa kama. Pinunasan ko ang lenses ng glasses dahil medyo nadumihan. At isinuot ulit sa mga mata.

 [A/N: Opo… may salamin po si Liz… baka nakalimutan niyo dahil sa kapopost ko ng pics ng walang salamin… hehe… Pero meron po… Nabanggit ni Hero nung chapter 1.]

Nirecall ko ang mga nangyari. Kung tama pagkakaalala ko, nakarinig ako ng sirena ng bumbero tanda na may nagaganap na sunog. Pagkatapos may tumakip sa ilong ko gamit ang isang panyong may pampatulog. At pagkatapos nun, wala na akong maalala pa.

 Kinidnap ako? O_o

 Sino naman?

 At bakit?

 

Nagulantang ako ng biglang pabalibag na bumukas iyong pintuan.

  Pumasok ang isang di kilalang lalaki. Mukhang pinaglihi sa ewan ang pagmumukha ng pumasok at kung umasta ay parang siga.

 “Gising ka na pala!” malakas nitong pahayag.

 Di ako nagkomento at nanatiling nakatingin lang dito.

 “Tayo na diyan! Gusto kang makita ni Jared!”

 OKAY! Letter B ka na! >_<

 Grrrrrrrr….. Ayoko ng tono ng pananalita ng isang ito ha. Gusto kong upakan pero pinigilan ko sarili ko. Hindi ko pa alam kung sino ang mga ito at ano ang dahilan nila sa pagkidnap sa akin. At isa pa, sino yung Jared na iyon?

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon