Now playing: How Could You Say You Love Me by Ms. Sarah Geronimo
How, how could you say you love me
When you would go and leave me
How could you make me hurt so bad
When I have loved you more than anyone can do
Can't believe the pain
That I'm feeling now because of loving you------------------------------------------------------
“Hindi ko na tatanungin kung okay ka, dahil alam kong hindi ka okay.” Agad na sabi sa kanya ni Jessica ng imeet siya nito sa Cafeteria ng school.
Minabuti kong magsawalang-kibo kaysa magkomento.
“Ah! Nakakainis si Hero. Gusto ko siyang sakalin ngayon!” nanggigil na sabi nito.
Natawa siya sa itsura ni Jessica. Mukha nga itong gigil na gigil at ready ng sakalin si Hero anumang oras.
“Ano pa bang magagawa ko? Sila naman talagang nauna at umextra lang ako.”
“Ah hindi! Dapat ipaglaban mo friend!” encourage sa kanya ni Jessica habang hawak nito ang kamay niya. “Fight for your love ika nga!”
“Hindi ba ako ang lalabas na kontrabida niyan?” taas kilay na tanong ko. “At isa pa, sinabi ko na kay Hero na kalimutan na naming lahat. At still friends kami.”
“ANO????? Bakit mo sinabing okay lang??? Dapat sinabi mo talaga yung totoo – na HINDI okay!”
“Hayaan mo na Je. Kung para talaga kami sa isa’t isa, eh di kami. Kung hindi……eh di……” saglit siyang natigilan bago nagpatuloy… “…..hindi…” parang may bara sa kanyang lalamunan ng sabihin niya iyon.
“Hay naku! Pag sa akin nangyari yan, hindi ko igigive up si Reid ano.”
Hindi na ako sumagot at inatupag ko na lang ang pagkain.
Bakit ba kasi si Hero pa ang pinili ng puso niya?
___________________________________
Tahimik siyang nagbabasa ng libro ng biglang may tumabi sa kanya.
Gulat niyang nilingon kung sino iyon.
“Hi Liz!” bati sa kanya ni Princess.
“Ikaw pala Princess… Bakit ka nandito?” tanong ko, saka ko pasimpleng hinanap si Hero. Pero mag-isa lang ito.
“Nakita kasi kita habang naglalakad ako. Okay lang bang nandito ako?”
“Oo naman. Hindi naman akin itong bench na ito ano.”
“Thanks….”
BINABASA MO ANG
Liz [Completed]
Teen FictionMy first story. Unedited. Dami mali. Dami spaces between paragraphs. -_-