==============================================================
A/N: Yipppppppeeeee! Nakaupdate rin sa wakas....Namiss ko mag-update ng LIZ. Thank you nga pala sa mga nagbasa nung JiHoo. Hehehehe.... ^_-
Don't mind the title of this chapter....hahaha... sa totoo lang mas natatagalan ako sa pag-iisip ng title ng chapters kaya natatagalan ako magpost minsan. Dapat pala hindi na lang ako naglalagay ng title... Pero yang drive na yan, double meaning dito sa chapter na ito. Drive na...at drive na.... hahahah....
==============================================================
*TOK*
*TOK*
*TOK*
“Can I come in?” narinig ko ang boses ni JiHoo.
“OO! SIGE PASOK!” malakas kong sagot para marinig nito.
Iniluwa nga ng pintuan si JiHoo.
“Ready ka na?” tanong nito sabay upo sa tabi ko.
“Malapit na…” wika ko habang sinisilid sa maleta yung iba pang natitirang damit ko.
Hindi sinasadya, natabig ko yung box na naglalaman ng mga anik-anik ko. Nahulog iyon sa sahig at kumalat laman ng box.
“Aishhh….Careless talaga ako.” Tinigil ko ang pagsilid at pupulutin na sana ang mga iyon ng pigilan ako ni JiHoo.
“Ako na lang. Ituloy mo na yang ginagawa mo.”
“Thank you ha.” Pasasalamat ko at ipinagpatuloy ko na ginagawa.
Maya-maya…
“Cool!” narinig kong exclaim ni JiHoo.
“Ang alin?” di tumitinging tanong ko dito dahil busy ako sa ginagawa.
“This necklace…” sabi nito.
Napatigin tuloy ako dito para makita sinasabi nito. Napakunot-noo ako ng makitang hawak nito yung necklace na binigay ni Mommy at Daddy sa akin.
Anong cool sa necklace na iyon?
“Paanong naging cool iyan?”
Parang nagulat si JiHoo sa itinanong ko. Maayos nitong tinakpan yung box at ipinatong iyon dun sa table. Tapos ay tumabi ito sa akin.
Ipinakita nito nito sa akin yung necklace. Kinuha ko iyon at ininspect.
BINABASA MO ANG
Liz [Completed]
Teen FictionMy first story. Unedited. Dami mali. Dami spaces between paragraphs. -_-