Chapter 24 The Joou

5.8K 84 26
                                    

Dinala siya ng kanyang mga paa sa isang park.

 Konti lang ang tao ngayon doon dahil weekdays.

 Nakakita ako ng isang bench na nasa lilim ng isang puno sa di kalayuan.

 Pinili kong doon na lang muna tumambay dahil walang katao-tao sa parteng iyon.

 Pero may nauna ng umupo bago pa ako nakarating dun.

Huh! Bad trip na bad trip siya ngayon kaya sorry na lang ito sa gagawin ko.

Kinuha ko ang aking cellphone at nagkunwaring may kausap sa kabilang linya at tumayo malapit sa bench. “Boss, nagawa ko na ang pinapagawa niyo. Ano pong gagawin ko sa bangkay?” tanong ko sa seryosong boses sa kunwaring kausap sa cellphone.

Sa peripheral vision ko, nakita kong halatang nagulat ang babae sa narinig.

“Susunugin ko po boss? Areglado! Kukunin ko na lang po yung bayad bukas diyan.”

Sa pagkakataong iyon ay lumilingon-lingon na yung babae at parang naghahanap ng mapagsusumbungan.

Bigla akong tumingin sa kanya. “Boss, may problema! May nakarinig nitong usapan natin. Anong gagawin ko sa  kanya?”

Nanlaki ang mga mata ng babae sa takot ng marinig ang kanyang sinabi.

“Dispatsahin ko na rin?”

Sa narining ay mabilis na kinuha ng babae ang mga gamit at kumaripas kaagad ng takbo.

Kung hindi lang talaga masama loob ko sa mga oras na iyon matatawa talaga siya sa itsura ng babae. Mukha talaga itong takot na takot at parang hinahabol ito ng aso sa bilis tumakbo.

Nadispatsa na po boss! Sabi ko sa isip-isip ko at tuluyan ng itinago ang cellphone.

Ang sama ng ginawa niya pero gusto talaga niyang mapag-isa eh.

Umupo na ako sa bench. Isinandal ko ang likod sa upuan at ipinikit ang mga mata.

Ahhhh… parang pagod na pagod talaga pakiramdam niya lalong-lalo na ang puso niya.

Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata ng biglang may maulingan siyang nagsasalita sa lengguwaheng minsan ay matagal din niyang ginamit.

“Saa, kokodeno shashin wo totte mimashou!”

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon