Chapter 27 The Queen's Past - Part 3

5.3K 70 9
                                    

 .:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:. _.:*~

(¯'•.•´¯) (¯'•.•´¯)                Sorry po at ngayon lang ako nakapag-update!
*'•.¸(¯'•.•´¯)¸.•´                  Thank you sa mga sumusubaybay nitong LIZ..
¤ º° ¤'•.¸.•´ ¤ º° ¤ •.¸¸.•´¯   Serious mode po muna ang chapter na ito and mga susunod ^-^

.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:. _.:*~

Hindi ko binaggit kina Mommy at Daddy ang aking nadiskubre. For sure, mag-woworry to the max lang sila sa akin.

At mabuti na lang pala at hindi ako enrolled sa kahit anong school dito sa Tokyo. Mahirap akong matritrace ng mga humahunting sa akin. Lalo na at wala man lang nakakaalam kahit pangalan ko. ^_^

May advantage din pala ang walang friends at lumaki sa isolated na isla eh! Hahahaha….

Yun nga lang, pag lumalabas ako kailangan ko ng dobleng pag-iingat. Nagsusuot na rin ako ng cap para maitago mukha ko. Oh di ba? Parang artista lang! ^_^

Pero may magnet yata talaga ako sa mga awayan dahil lagi akong nakaka-encounter ng mga nangangailangan ng tulong. Minsan may nakita akong hinaharass na babae. Minsan naman may binubugbog. Minsan may binubully. Minsan may kinikikilan ng pera. Minsan may ninanakawan. Grabeeeeeee! Timing talaga na andun ako pag nangyayari mga iyon???

At susme! Lahat pa ng mga involve sa mga kasamaan slash crimes na iyan ay mga  miyembro ng street gangs. Tuloy, di ko namamalayang marami na pala talaga akong napapatumbang mga miyembro nila.

Ngunit mas nakilala ang pangalan ko bilang Sutoriitogyangu no Joou (Queen of Street Gangs) ng matalo ko ang pinakamagaling  at pinakamaimpluwensiya na street gang sa Tokyo. Idagdag na rin ang mysterious effect na meron ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin nakakaalam sa aking totoong pagkatao. Lagi din kasi akong maingat na huwag makuhanan ng picture at baka ikalat nila ano! Ahahaha! Parang artista talaga ako anoh! ^_^ Iwas paparazzi! Tsup!

Hindi naglaon, may mga followers na rin ako! Parang twitter lang! Hehehe

Pero unlike twitter, hindi ko sila finofollow back. Hindi ko naman like na ifollow nila ako eh. ^-^

But one day, nalaman nina Mommy at Daddy about sa aking little secret. As expected agad silang nagworry sa akin dahil sa nalaman.

“Maybe it’s really a wrong idea to move here in Tokyo.” Sabi ni Daddy habang pabalik-balik ito sa paglalakad.  Nahihilo na nga ako sa kalalakad nito – paroon parito eh.

“Maybe we should go back to the island.” Pagpapatuloy ni Dad. “Aya, can live peacefully there. Hindi katulad dito na pinaghahanap ng mga miyembro ng gang.”

“How about work?” nag-aalalang tanong ni Mommy kay Daddy.

“Mei, aalis naman na talaga tayo ng organization di ba?. Nagiging delikado na. The sooner we get out the bett– “

“TEISHI!” malakas na sigaw ni Mommy kay Daddy kaya naputol ang ano pa mang sasabihin sana nito.

(STOP!)

“Stop Hiroshi….” Tapos tumingin sa akin si Mommy at muli itong tumingin kay Daddy.

“Gomenasai.” Parang naunawan naman kaagad ni Daddy ibig sabihin ni Mommy. Pero ako hindi ko maunawan ginawa ni Mommy. 

[A/N: Gomenasai = I’m sorry]

“Please go to your room na lang muna Aya. May pag-uusapan lang kami ng Daddy mo. We will talk to you tomorrow morning about our decision. Good night anak..” at hinalikan ako ni Mommy sa noo at pisngi.

“Goodnight Mom!” gumanti ako ng yakap.

“Goodnight din Dad! Mwah!”

“Goodnight Aya.” Hinalikan din ako ni dad sa noo at pisngi.

Pagpasok ko sa aking kuwarto di ko maiwasang mapaisip sa sinabi ni Dad kanina bago ito putulin ni Mommy.

 

“Mei, aalis naman na talaga tayo ng organization di ba?. Nagiging delikado na. The sooner we get out the bett– “

Magreresign sina Mommy at Daddy sa FISCO? Bakit?

Matagal ng nag-wowork sina Mom at Dad sa FISCO. As in bata pa lang ako, dun na sila nagtratrabaho. Scientists sina Dad dun at mahal na mahal nila ang trabaho nila bilang mga scientists. Isa pa, magandang magtrabaho doon dahil pwedeng outside the office magtrabaho. Kaya nga nakakapagwork sina Mommy at Daddy sa island kahit malayo sa Main Office.  Pumupunta na lang sina Mom at Dad sa Main once every month para magreport at magsubmit ng mga researches and developments.

Minsan na rin akong nakapunta sa FISCO Main Office nung mga 10 years old pa lang ako. May party kasi at isinama ako nina Mommy sa Tokyo para umattend din ng party. Hindi nga lang ako nag-enjoy nun dahil puro matatanda naman andun. Pero buti na lang may nahanap din akong kalaro kay nawala boredom ko at nag-enjoy na rin.

At bakit kaya nasabi ni Daddy na nagiging delikado na… ang ano? At dun sa hindi natapos ni Dad na sentence dahil pinutol ni Mommy, ano ibig sabihin nun?

Nakatulugan na niya ang pag-iisip ng mga kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa kanyang isip.

.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:. _.:*~*:._.:*~*:.

(¯'•.•´¯) (¯'•.•´¯)                   
*'•.¸(¯'•.•´¯)¸.•´                      SALAMAT! ^____^
¤ º° ¤'•.¸.•´ ¤ º° ¤ •.¸¸.•´¯        See you on next chapter… :)

.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:._.:*~*:. _.:*~*:._.:*~*:.

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon