Chapter 40 In your arms

5.6K 88 22
                                    

A/N: Ipost ko lang tong update na 'to before kami makiprusisyon... ahehe... And may speech ako sa end... lolol...

-------------------------------------------------------------------------

After the incident, hindi ko nakita si JiHoo kinagabihan ng araw na iyon.  Kahit kahapon wala din siya. Buti naman at hindi pa ito nagpapakita dahil ayoko pa talaga makita pagmumukha nito. Baka masapak ko lang ito eh.

Naiinis kasi ako sa nangyari. Naiinis ako kay JiHoo. Naiinis ako sa ginawa nitong paghalik. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako dahil nagustuhan ko iyon. Naiinis ako dahil hindi ako nakatulog dahil tuwing pipikit ako, paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko yung kissing scene namin. Naiinis ako dahil tuwing naiisip ko yung nangyari, my heart will always skip a beat. Naiinis ako sa nararamdaman ko. Nakakainis talaga! Nakakainis si JiHoo! Siya may kasalanan lahat ng ito!

Sa kasalukuyan ay nasa living room ako ng mansion at hawak ang librong “The Wedding” ni Nicholas Sparks. Oo, hawak lang dahil hanggang ngayon nasa page 1 pa rin ako. Wala kasi ako maintindihan sa binabasa ko. Parang alien words lahat ng nakasulat doon at wala man lang nagsisink-in sa utak ko. Aishhh!

This is Han JiHoo’s fault! That Baka!>_<

All of a sudden biglang dumating si JiHoo.

Automatic na napasimangot ako ng makita ko ito.

Ibinaba ko ang hawak na libro at tinignan ng matalim si JiHoo na naglalakad. Pero tuloy-tuloy itong naglakad patungo sa hagdan at nagtungo sa kuwarto nito. Ni hindi man lang niya ako sinulyapan. As if I don’t exist.

“Ano problema nun?”

Bakit parang ito pa galit? Hindi ba dapat ako ang magalit? Anong pakulo na naman niluluto nitong Bakang ‘to! >_< Pwes, magdedmahan tayo! Kala mo ha!

Pinagtuunan ko na lang ng pansin yung librong binabasa ko – este hinahawakan ko. SInubukan kong basahin ulit yung page 1 pero wala talaga. I give up reading! Makakain na nga lang.

Nagtungo ako sa kusina at hinalungkat ang refrigerator. Ngek! Bakit alang laman yung fridge? Nakalimutan nina Manang na mag-grocery. Excited yata silang umuwi at kinalimutan na nila yun. Sabagay, naiintindihan ko naman sila. Kung ako rin, makakalimutan ko lahat para lang makasama ulit pamilya ko.

Kumuha ako ng baso at uminom ng malamig na tubig. Hay, wala akong choice kundi lumabas at mag-grocery. Oo nga ano? Ako lang at si JiHoo ang tao ngayon dito sa mansion na ito. Lahat kasi ng mga kasambahay ay pinayagan ni Lolo na magvacation ngayong Holy Week. Si Lolo naman may pinuntahang business trip cum vacation nito.

Tccch! Ako pa tuloy magpreprepare ng dinner para kay JiHoo. Sorry na lang ito. Di ako marunong magluto. Kaya magtake-out na lang ako ng pagkain after kong mag-grocery.

Umenter si JiHoo sa kitchen bigla. Wala itong kibo. Ako din wala.

You want dedmahan!? I will give you dedmahan!

Nakaupo lang ako sa parang stool sa pantry ng kitchen. Si JiHoo naman ay binuksan din yung fridge. Naghahanap din siguro ng pagkain.

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon