Chapter 32 Fate

5.9K 64 10
                                    

Mabilis na lumipas ang mga linggo. Pumapasok pa rin ako sa SKY. Nakakahiya naman kasi kay Lolo kapag hindi ako pumasok.

Mahirap nga lang nung mga unang araw after nung eksena between kay Hero, sa best actress nito, at sa akin. Nahihirapan akong makipagplastikan sa kanila kapag kasama sila at ibang miyembro ng G5 at ni Jessica.

Minsan nga, iniiwasan ko ng pumunta sa building ng G5 para lang hindi makita mga pagmumukha nung dalawang iyon. Naiintindihan naman ni Reid, Cloud, Alex, at Dave kung bakit madalang na ako pumunta dun. Akala nga lang ng mga ito ayaw ko lang makitang magkasama yung dalawa. Tama sila doon, pero hindi dahil nagseselos ako. Kundi kumukulo lang dugo ko pag nakikita ko sila eh.

Hindi pa rin pala alam ng apat at ni Jessica ang nangyari noon sa kusina. Hay naku, pag nalaman nila iyon, siguradong kakalbuhin ni Jessica si best actress. For sure din na iignore nina Alex si best actress. Best actress na lang tawag ko sa kanya. Baka masuka lang ako kapag binanggit ko pangalan nito ano!

Maging pala mga estudyante ng SKY at mga classmates ko ay nagtataka kung bakit hindi na daw kami magkasama ni Hero at kung sino si Best Actress. Hay naku, ang hirap mag-explain sa kanila. Nung una hindi ko sila pinapansin. Pero ang kulit nila eh! Sinabi ko ang totoo na Gf ni Hero iyon. Mula ng sinabi ko iyon, hindi na sila nagtanong. Yung mga HCFs naman ni Hero medyo bumait na sa akin. Yun ang kagandahan ng nangyari! Hehehe… Wala na akong haters! Hahaha….

“Anong gusto mo Liz?” nakangiting tanong sa akin ni Jessica.

“Kahit ano, basta masarap! Sabit lang naman ako dito ngayon eh…Hehe”

Sa mga oras na ito ngayon kasama ko si Reid at Jessica… Nasa isang branch kami ng restaurants na pag-aari ng pamilya ni Reid. Yebaaahhh! Sarap talagang kasama ang couple na ‘to. Mahilig akong ilibre! ^_^ Oooppsss…. Couple na pala sina Reid at Jessica….starting…………kahapon….At isinama ako ng dalawa para daw magcelebrate ng 1-daysary nila! ONEDAYSARY, o di ba? Weird din tong dalawang ito eh.

“Ikaw ang cupid namin ni Reid kaya kailangang kasama ka dito…”

“Ay ganun ba? Pero parang OP naman ako. Kanina pa kayo nilalanggam eh.”

“Paano ba naman kasi, ang cute ng labs ko. Saranghae, Jessica-ah…” then nagflash ng killer smile si Reid kay Je.

Kilig to the max naman itong si Je.

“I love you too labidabs ko!” saka ito nagflying kiss kay Reid.

Waaaaaa… ang korni naman ng dalawang ito. Buti na lang cute sila! ^_^

Maya-maya napatingin ako kay Reid.

Oo nga ano, Half-Korean pala itong si Reid.

“Anong meaning ng PABO?” tanong ko dito.

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon