Chapter 62 Betrayal

5K 70 11
                                    

==============================================================

A/N: Sorry! Ngayon lang ako nakapag-update... Na mental block ako dito sa LIZ! : (  Huhuhu! Grabe pala mag kawriter's block. Period lang natataype ko. Hehehe... But okay na dahil nakapag-update na din sa wakas. Thanks nga pala sa mga nagvovote at comment. Ang gaganda niyo! Guwapo rin kung merong guy na nagbabasa ng LIZ... hehehe XD

Note: Unedited ito. Post ko na lang muna. I'll try to edit it again paggising ko bukas. XD

 ==============================================================

Tanging ang tunog ng tubig na tumutulo mula butas na kisame lang ang nariring ko. Ngunit kahit iyon lang ang naririnig ko, alerto pa rin ang aking pakiramdam at pandinig sa mga posibleng kaluskos. Nasa isang abandonadong gusali sila ni JiHoo at kasalukuyang nasa isa sa mga kuwarto nun. Madilim sa loob at tanging ang liwanag lang na nagmumula sa buwan nanggagaling sa bintana ang dahilan kaya may naaninag pa rin ako kahit paano

Nakaupo ako sa sahig at nakasandal likod ko sa malamig at matigas na dingding. Nanuot ang lamig sa aking mga balat ngunit hindi ko iyon alintana. Parang naging manhid na nga ang aking pakiramdam. Parang lang. Dahil kahit gusto man niyang maging manhid ng buong-buo, hindi naman iyon ang nararamdaman ng kanyang puso.

Pinagmasdan ko ang mukha ni JiHoo habang ito ay natutulog sa aking mga hita. Banayad kong hinaplos mukha ni JiHoo. Hindi ko maiwasang mapaluha habang ginagawa ko iyon. Sinupil ko ang anumang ingay mula sa aking pag-iyak. Ayokong magising si JiHoo. Kailangan nitong magpahinga.

Kailangan nito iyon dahil may tama ito ng bala.

Napapikit ako ng mariin habang lumuluha pa rin ng tahimik. Awang-awa na ako sa mga sarili namin ni JiHoo. May tama ng bala si JiHoo at ni hindi ko man lang madala sa hospital. Hindi ko madala dahil maging ako ay nabalian ng buto sa paa. Sa estado naming dalawa ngayon, napapaisip din ako kung paano namin nagawang makalayo sa mga humahabol sa amin. Pero alam ko ring nandiyan lang sila at pinaghahanap pa rin kami. Alam kong kapag nakita pa nila kami sa susunod, hindi na sila makakapayag na malusutan pa namin sila ng buhay.

Tinanong ko sa Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Kaninang umaga lang ang saya-saya nila. Kaninang umaga lang nasa simbahan sila. Kaninang umaga lang punong-puno ng pag-asa ang puso ko na bukas ay puwede na silang magpakalayo at mamuhay ng normal. Kaninang umaga lang….

Bakit nangyayari ang lahat ng ito?

 

Bakit?

Bahagyang gumalaw si JiHoo. Hindi man nito pinapakita, alam kong kumikirot yung parte ng braso nitong tinamaan ng bala. Halos mahimatay ako ng makita ko itong tinamaan kanina. Tuloy-tuloy ang pag-agos nun. Kinailangan kong punitin ang bahagi ng aking damit upang magkaroon ako ng pangbenda dito at ng maagapan kahit paano ang pagdurugo nun.

Naikuyom ko mga palad ko ng maalala lahat ng nangyari kanina.

Fear. Determination. Hopelesness. Betrayal. Sadness. Shock. Anger.

Lahat iyan naramdaman ko kanina.

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon