Chapter 41 Falling

5.9K 97 26
  • Dedicated kay ALL READERS! ^^
                                    

A/N: I feel a lot better now...At dahil diyan, ang haba tuloy ng update na nagawa ko....ahahaha.....Thanks to all of you....Dedicated ang chapter na ito sa lahat ng readers! Arigatou!

-------------------------------------------------------

Papunta na ako sa PureDiamond na isang parang malaking grocery store. Hay, ang sama pa ng pakiramdam ko pero kailangan talaga eh. Kung hindi wala kaming kakainin. >_< Wawa naman mga alaga ko sa tiyan… ^^

And take note, kasama ko si JiHoo. Siya kasi nagprisintang mag-drive na lang para daw huwag na akong magtaxi. Hay, kakalurkey talaga itong si JiHoo. Parang walang nangyari between sa amin kung ito ay umasta. Cool na cool lang ito habang ako ay hindi mapakali habang kasama ito. Back to the old JiHoo na naman ito. Back to old self which means back to being the smiling and palatawang JiHoo. Parang may switch mode itong si JiHoo eh. Switch ‘ON’ kapag masayahin at palangiti. Switch ‘OFF’ kapag walang emosyon. Ah ewan.

Ayun nga, papunta kami sa PureDiamond at nagdridrive si JiHoo. Tingin ako ng tingin dito dahil nagtataka talaga ako kung anong nangyari sa kanya nitong nakalipas na dalawang araw. Isa pa, parang mas lalong naging gwapo si JiHoo sa paningin ko ngayon. O_o Bumilis ulit tibok ng puso ko. Syete talagang puso ito oh. Masyadong matigas ang ulo. Sinabi ng magbehave pero umaariba pa rin. Bahala na si Batman sa akin.

“Baka matunaw na ako sa katitingin mo sa kaguwapuhan ko Pabs.” Tumingin ito saglit sa akin saka nito binalik ang tingin sa daan.

I blushed with what he said. Aissssh! Napansin pala niya iyon. Naggalit-galitan ako para pagtakpan ang pagkapahiya. “Hindi kita tinitignan ano! Yung view diyan sa side mo yung tinitignan ko..Pahara-hara ka kasi eh...”

 “Huwag ka ng magkaila Pabs. Huling-huli na kita. Umamin ka na…” pailing-iling nitong sagot.

Umamin? Na ano? >_<

“Wala akong dapat aminin….”

“Wala?”

“Wala nga!”

“Ah… kala ko kasi may gusto kang itanong sa akin eh…”

Natigilan ako sa sinabi nito. Pwede ko ng tanungin yung bumabagabag sa akin about sa nangyari dito in two days.

“Meron nga. Sasagutin mo ba kung tatanungin ko? Magpromise kang sasagutin mo.”

“Depende.”

“Depende?”

“Depende sa itatanong mo…Malay ko ba kung magpropropose ka na pala sa akin.” Tumatawang turan nito.

“P-pro-propose?!” nanlaki ang mga matang bulalas ko. “Bakit mo naman naisip na magpropropose ako? Bakit tayo ba in the first place!?”

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon