Chapter 29 Ang Gwapong Multo!

5.7K 76 17
                                    

 A/N: Sa PRESENT na po tayo..... Nagsasawa na ako sa 4 na updates about past.... hehe... isisingit ko na lang yung ibang past sa future chapters... Anyways, enjoy the new chapter...

At pakitignan po yung picture sa right..... presenting ANG GWAPONG MULTO! ^_^

Ewan ko kung sino yan. Hahahaha... Basta nahanap ko lang siya sa net eh... hihihi

Enjoy reading! Mwah! Tnx!

----------------------------------------------------

 Marahan kong minulat ang aking mga mata.

Nasa park pa rin ako. Medyo madilim na.

Nakatulog pala ako kanina ng hindi ko namamalayan.

Hinawakan ko ang aking mga pisngi. Medyo basa pa iyon. Bakas na umiyak ako kanina habang nakaidlip. Nalungkot ulit ako ng maalala ang dahilan ng mga  luhang iyon. Nakakamiss ang Japan. Nakakamiss sina Mommy at Daddy. Nakakamiss lahat ng iniwan niya sa isla. Nakakamiss lahat ng masasayang memories na hindi na muling maibabalik pa.

Namuo ulit mga luha sa gilid ng aking mga mata.

Smile Liz! Smile!  Agad kong iwinaksi ang negative energy na bumabalot ulit sa akin at inintindi ang pagkakaupo.

Hay, buti na lang hindi ako nangawit sa aking pagkakaupo na matulog. Bahagya kong iniunat ang aking mga kamay at inayos ang pag-upo.

Infairness, ang sarap naman sumandal sa bench na ito! ^_^

 “Hmmm…” bigla kong narinig.

Sino iyon???

 

Ahhhhhh! May multo ba sa park na ito?

Pero bakit parang nanggaling sa tabi ko yung tunog?

Katabi ko yung multo????

Kinilabutan ako sa naisip.

Natatakot man, slow motion kong tinignan ang aking tabi.

MAY KATABI NGA AKO!!

Tumaas yata lahat ng buhok ko sa katawan dahil sa nakita. As in lahat yata!

Madilim man at hindi ko ito makita, alam kong may katabi ako!

Mas lalo akong nanigas sa aking kinauupuan ng mapansing nakaakbay at parang nakayakap pa sa akin yung multo! Waaaaaaaaaa!

Pero huh! Ang sarap yumakap ng multong ito. Ehem! Ehem! Hindi siya malamig.  Mainit nga eh...… ^_^ hihihi….

“TEKA LANG LIZ! Behave! Behave! Huwag muna lumandi!” parang sirang paninita ko sa sarili ko.

Naramdaman kong parang gumalaw ulit ito.

Nacurious tuloy akong makita kung ano itsura ng multong katabi niya. Hindi pa ako nakakita kahit minsan eh. Ngayon pa lang kung sakali.

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon