Chapter 39 The Boss and the Personal Assistant

5.8K 88 16
                                    

A/N: Ewan ko kung maganda o pangit itong chapter na ito. Ewan ko talaga! Muntik ko na itong hindi ipublish at for my personal chapters na lang sana....Nahihirapan kasi ako magdecide kung okay lang ba or hindi..... Huhuhu....But ayan pinublish ko din...ahihihi....Have fun reading!

-----------------------------------------------

Kapag ipapadescribe sa iyo ang iyong summer vacation anong isasagot mo?

“Ang saya!”

“Super nag-enjoy ako!”

“Sa susunod ulit!”

“Ayoko ng matapos ang summer vacation!”

Ako, maidedescribe ko in one word…..

DISASTER!!!!

Aisssshhh! Disaster talaga! >_<

Sana matapos na ang summer at magpasukan na at ng matapos na ang paghihirap ko. Paano ba naman kasi, walang ginawa itong si JiHoo kundi utos dito, utos diyan, utos doon, utos kung saan-saan. Kahit wala naman talaga itong iuutos, sige pa rin sa utos.

Tumingin ako sa itaas at tinanong si Lord. “Lord, may nagawa ba akong malaking kasalanan nung past life ko?”

Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang apo ni Lolo Jack si JiHoo. Hmmmmm….Hindi kasi mukhang Korean si Lolo eh. Pero baka sobrang naka-aadapt na ito sa Pilipinas at pati itsura nito naging Pinoy na rin. Though maputi rin si Lolo, pero parang malayo pa rin itong maging Korean. At once na ring nabasa ko pala yung full name ni Lolo – it’s Han Jaewon. Akala ko nun, gawa-gawa lang nya yun. Yun pala, yun talaga name nito. Malay ko ba? Pero grabe naman yan! Ganoon ba kaliit talaga ang mundo at sa lahat ng puwedeng maging apo nito ay si JiHoo pa talaga. >_<

Ang layo nga ng pag-uugali ng dalawa eh. Baka naman ampon si JiHoo kaya ganoon? Pero mabait din naman si JiHoo – kapag tulog nga lang. Isama na rin kapag tinopak ito. Yes, kapag tinotopak ito mabait. Kasi right now na normal ito, ay nag-eenjoy much yata ito sa pag-uutos sa akin. >_<

“PABSSSSSSSSS!”

Speaking of the Devil…. Eto na naman siya! (。-'ω´-)

Agad akong pumunta sa kuwarto nito. Doon nanggaling yung boses nito eh. Kung sakali, ngayon pa lang ako makakapasok sa room nitong si JiHoo.

Kumatok ako.

“Come in.”

In fairness, maganda at malinis kuwarto nitong si JiHoo. Halatang panlalake ang kuwarto base na rin sa kulay at style nun. At ang lakas naman ng aircon sa kuwarto nitong si JiHoo. Brrrrrrrrrr! Lamig!

“Pabs?”

Nakahigang padapa si JiHoo sa kama nito at nakakumot hanggang sa may batok nito. Mag-aaircon aircon ng pakalamig-lamig pagkatapos magkukumot hanggang leeg. Tccch!

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon