Kinabukasan…
“Aya, napagdesisyunan namin ng Mommy mo na aalis na tayo dito sa Tokyo next month.” announced ni Daddy habang kumakain kami ng breakfast . “May mga aayusin lang kaming mga bagay-bagay ng Mommy mo at aalis na tayo.”
“Saan po tayo pupunta?”
Ibinaba ni Daddy ang kutsara at tinidor nito saka ito makahulugang tumingin kay Mommy. Pagkatapos saka pa lamang ito sumagot. “No definite place yet. But don’t worry anak, we will find a safer place soon.”
“How about sa island Dad? Why don’t we go back there?”
Si Mommy ang sumagot .
“Mas mabuting huwag na muna tayong bumalik sa isla Aya.” Iyon lang sinabi ni Mommy at wala na itong dinagdag na anumang impormasyon. Ni hindi nito sinagot ang tanong kong ‘Bakit’.
Nalungkot ako sa narinig. Excited pa mandin akong bumalik sa isla tapos… : (
“Just trust us Aya. We will protect you no matter what happens.” – Mom
“I trust you Mom – Dad. Always. And I love you both.”
-------------------------------------------------------
Hindi muna ako pinalabas nina Mommy at Daddy ng bahay para daw makaiwas gulo ako.
Sa totoo lang, nawiwirduhan ako sa kanila. Parang kakatwa mga kinikilos nila at parang may itinatago at hindi sila sinasabi sa akin. Minsan nga narinig ko ulit silang nag-uusap.
“Mei, they know. They already know.”
“They know about – “
“Yes Mei. We have no other choice but to leave.”
BINABASA MO ANG
Liz [Completed]
Teen FictionMy first story. Unedited. Dami mali. Dami spaces between paragraphs. -_-