Chapter 49 Unfair

5.1K 69 8
                                    

A/N: Thanks sa mga nagbabasa, nagvovote at comment.... ^___^ Salamat talaga!

----------------------------------------------

Alas otso na ako ng umaga nagising kinabukasan. Agad akong nag-ayos ng sarili at naghanda para kausapin si JiHoo.

Nagtungo agad ako sa kuwarto ni JiHoo.

*TOK* *TOK* *TOK*

“JiHoo?”

*TOK* *TOK* *TOK*

“Baka?”

Wala pa rin? Tulog pa kaya ito?

“Papasok na ako.” Paalam ko dito.

Binuksan ko na nga yung pintuan.

Ang ineexpect ko ay baka tulog pa si JiHoo. O kaya naman ay nauna na ito sa baba. Ngunit iba bumungad sa akin. Wala ng ngang tao sa kuwarto. Yung kama naman wala na yung mga bedsheet  at mga kumot. As in plain lang na walang cover iyong kama.

Kinabahan ako sa naiisip.

Agad akong nagtungo sa closet ni JiHoo at binuksan iyon. Wala ding kalaman-laman mga iyon. Sumunod kong binuksan mga drawers. Negative din. Wala ding mga laman.

Wala man lang naiwan na kahit isang gamit ni JiHoo. Para bang hindi talaga nito iyon kuwarto dahil walang kahit anumang bahid na makapagsasabing kay JiHoo nga yung kuwarto.

Ang  lakas na ng tibok ng aking puso. Natatakot na ako. Kinakabahan.

Patakbo akong lumabas ng kuwarto at nagtungo sa first floor. Nakita ko si Lolo Jack na nasa komedor at nag-aagahan.

“Lolo Jack… Si JiHoo po?” walang paligoy-ligoy na tanong ko.

“Ikaw pala Liz. Si JiHoo ba kamo?”

Tumango ako bilang tugon.

“Ah iha, maaga itong umalis. Hindi ba siya nagpaalam sa iyo?” kunot-noong tanong ni Lolo Jack. “Pero sabi niya nagpaalam na daw siya sa iyo….” Pagpapatuloy nito.

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon