Chapter 23 A Devil in an Angel's Face

5.8K 74 18
                                    

Dinatnan niya sa loob sina Alex, Reid, Dave, at Cloud. Present din si Jessica…… at si Princess.

Binati siya ng mga ito pagdating niya. Maging si Princess ay binati siya na para bang wala itong ginawang masama sa kanya.

Huh! Alam na niya ang tunay na kulay nito… Wag na itong magpanggap.

Habang nagkakasiyahan sila, nagtungo siya sa kitchen para kumuha pa ng pagkain.

“Wow! Full stock ulit ng food! Ahihihi!” ^__^

Busy siya sa pag-iinspect ng mga pagkain ng biglang dumating si Princess.

Para siyang nawalan ng gana tuloy kumain ng makita niya pagmumukha ng impaktitang babaeng ito.

Pasmile-smile pa ito sa kanya! >:(

“Hello Liz!” bati nito sa kanya.

“Wag na tayong magplastikan! Alam ko ng sinisiraan mo ako kay Hero.” Kastigo ko sa kanya.

Napalis ang ngiti nito at lumabas ang tunay na mukha nito na itinatago ng maaamo nitong mukha.

Hindi na itong mukhang anghel sa paningin niya ngayon. Mukha na itong gremlin! Mukha itong witch! But mas mukha itong devil! >:(

Ang pangit pala nito! Yuckkkk! Nagsisi siyang minsan ay nasabi niyang maganda ito at inihambing pa sa isang anghel!

For sure marami na ang nalilinlang sa maskara ng Princess na ito. At isa sa pinakamalas na iyon ay si Hero!

“Ano naman ngayon. Kahit ano namang sabihin mo hindi ka paniniwalaan ni Hero. Sa akin lang iyon maniniwala.” Tumatawang sabi nito.

Naningkit ang kanyang mga mata sa narinig. “Bakit mo ginagawa ito?”

“Dahil alam kong may namagitan sa inyo!” galit nitong akusa.

“Hindi ba sinabi ko naman ng Hindi naging kami? Hindi ba maliwanag iyon?”

“Just call it a girl’s instinct…” sabi nito.

Bigla na lang itong natigilan.

Hindi niya inaasahan ang sumunod nitong ginawa. Bigla na lang nitong pinagsasamapal ang sarili at ginulo-gulo ang buhok nito.

Hala! Nasisiraan na ba ito ng bait?????????????? Loka-loka nga yata itong si Princess ah!

Nagulat siya ng tumingin ito sa kanya at umismid. At bigla na lang humagulgol sa iyak.

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon