Chapter 30 PABO at BAKA!

5.9K 77 8
                                    

 “AYA…….”

 Aya? Kilala niya ako?

 

 Kaagad kong hinawakan ng mahigpit ang magkabilang balikat nito saka iyon niyugyog.

 “SINO KA???? SABIHIN MO SINO KA?” tanong ko dito habang patuloy pa rin sa pagyugyog dito.

 “SHIT! JIGEUM MWEO HAE YO?!?” malakas nitong sigaw.

 Syet! Yun lang naintindihan ko sa sinabi niya. Korean nga yata ito ah. Pano yan, mukha lang akong Koreana pero hindi ako marunong nun. Nihonggo pa pwedeng-pwede. Pero Korean? Ano alam ko dun! >_<

“HUH! KOREANO KA PALANG TALAGA HA! PWES, MARUNONG KA NAMAN SIGURO MAG-ENGLISH ANO!?”

Nanatili itong galit na nakatingin sa akin.

 Engot Liz! Dapat Englishin mo din yung tanong! Toinks!

 OK!!! YOU KNOW HOW TO SPEAK ENGLISH???” exaggerated kong tanong dito habang may pakumpas kumpas pa ako ng kamay. “WHO ARE YOU? DO YOU KNOW ME????”

 Wala pa rin. Mukha itong nalilito sa aking tanong pero mahahalata pa rin ang galit at inis sa mukha nito.

 GRRRRR…..Nauubos na pasensiya ko…

 “Pano ko malalaman kung kilala mo ako kung hindi mo ako maintindihan!!!” nanggigigil na yugyog ko ulit sa balikat nito. Gigil na gigil talaga siya!

 “OUCH! Ano ba, tama na! Hindi kita kilala! OK!!!” galit na saway nito sa akin sabay hawak sa dalawang kamay ko.

 Nagulat ako sa narinig dahil hindi ko ineexpect iyon.

“WAAAAH! Marunong ka pala mag-Tagalog!” duro ko sa kanya. “Bakit hindi mo sinabi kaagad ha! Pambihira, pinahirapan mo pa ako!” pinandilatan ko ito.

 “Bakit??? Sino ba nagsabi na hindi ako marunong?” galit nitong balik sa akin.

 “WALA! Kaya lang nagKorean ka. Tapos hindi ka naman sumasagot sa mga tanong ko!”

 “Paano ako sasagot kung ang kaharap ko ay isang weird na tulad mo at panay yugyog mo sa balikat ko!”

 “Heh! Dapat sumagot ka pa rin! Kahit OO o HINDI para alam ko! At ano yung sinabi mo kanina sa akin pagkagising mo?”

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon