Chapter 56 Shadow

5.1K 80 13
                                    

==================================================================

A/N: Thank you so much sa lahat ng nagvote sa Chapter 55! Much much appreciated... This time I won't be asking for votes dahil baka mapasubo na ako... hahaha... Ala na ako time magsulat dahil ang bilis niyo naman... kala ko matatagalan pa bago magsixteen eh... :)

==================================================================

Ayieeeeeeeeeee! Sobrang kinilig ako sa nalaman mula kay JiHoo. Alam niyo iyon? Kulang na lang tumili ako dahil sa sayang naramdaman.

FIRST pumasok sa isip ko kanina:

AKO lang talaga? ^______^

SECOND pumasok:

Ano yun? Naturally great kisser siya? Talented!

THIRD pumasok:

First kiss din niya ako???

Tumambling tambling yata puso ko dahil sa kaalamang first kiss din niya ako!

LAST  na pumasok sa isip ko:

Kaw din Baka! You will be my First and Last kiss! ^____^

“Kumain ka na Pabs…”

Magkatabi kami ngayon ni JiHoo at kumakain ng fishballs. May dumaang nagtitinda ng fishball kasi kanina at bumili kami. Bigla na lang dumaan si Manong fishball kanina habang magkayakap pa rin kami ni JiHoo. Naghiwalay tuloy kami ng wala sa oras. Habang bumibili din kami ng fishballs ay panay sermon si Manong sa amin – iba kasi pumasok sa isip siguro nito ng makita kami ni JiHoo na magkayakap.

“Kumain ka na Pabs…”ulit nito sa sinabin nito ng hindi ako sumagot kanina.

Napatingin ako kay JiHoo at ngumiti.

“Kumakain naman ako ah.” Sagot ko at pinakita pa ritong ngumunguya ako.

Napailing ito sa akin. “Eh kanina pa kita pinagmamasdan at kanina ko pa napapansin na bigla ka na lang natutulala habang kumakain.”

Wheeee! Pinagmamasdan pala niya ako? : )

“Uhm… M-masaya lang ako at kasama kita ngayon.” Naks! Ang corny pero iyon talaga ang gusto kong sabihin. “At parang kulang yata itong fishballs ko eh,”reklamo ko.

Tinignan nito yung lalagyan ko ng fishballs tapos ay tumingin ito sa lalagyan naman nito. “Ako din.” Maikli nitong sagot at sumubo ito ng fishball.

“Kulang din yang binili mong fishballs?”

“Hindi…. Ako din….Masaya din ako at kasama kita ngayon.” sagot nito sa akin.

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon