Chapter 57 Fly Away

5.2K 87 14
                                    

 =================================================================

A/N: Ilang beses ko ito inulit... wahahaha... dalawang version ako meron nitong chapter na ito. Kaya lang.... itong version 2 ang nagwagi.... hahaha....

=================================================================



>>>>>FLASHBACK<<<<<<

  Malungkot na nakaupo ako sa naka-assigned na seat ng eroplano para sa akin. Mugto ang aking mga mata sa kaiiyak mula pa kagabi. Kagabi, nalaman niyang wala na siyang magulang. Ni hindi man lang niya nadalaw o nasilip man lang bangkay nila. Pakiramdam ko tuloy, ang sama-sama kong anak dahil doon. Parang ang bilis lang talaga ng mga pangyayari at ngayon naman, nakasakay na siya ng eroplano na kasalukuyang lumilipad patungo sa Philippines - ang bansang ngayon pa lang niya makikita.

Ano kayang naghihintay sa akin dun?

Pagod niyang isinandal ang likod sa upuan. Tapos ipinikit niya ang mga mata. Only to cried out again dahil mukha ng magulang niyang nakangiti ang tumambad sa kanya pagkapikit niya.

Mom – Dad…. How can I live without the two of you?

Napahagulgol tuloy ako lalo sa pag-iyak.

“Sh!T! For god’s sake, please stop crying!”

Gulat na napatingin ako sa pinanggalingan nun. Mula yun sa katabi ko. Ngayon ko lang napansin ang katabi kong iyon. Tulog yata kasi ito kanina kaya hindi ko man lang nalamang nag-eexist ito.

Hala! Baka nagising ko siya dahil sa pag-iyak ko!

“Pinagtitinginan na tayo ng ibang pasahero. Akala yata ako nagpaiyak sa iyo.” Frustrated nitong turan. “At – ang ingay-ingay mo! Puwede tumahimik ka naman.”

Nag-Tagalog ito. Ibig sabihin Pinoy siya. At ang sakit naman nito magsalita. Napaka-RUDE!

Pero tumingin pa rin ako sa paligid namin para kumpirmahin sinasabi nito. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang pasahero at puno ng curiosity mga mukha nila.

“Boy, you have to patch up things with your girlfriend.” Nakangiting komento nung matandang pasaherong may hawak na libro na katapat namin sa kabilang side.

“But she isn’t –“

“Tsk… tsk… tsk… you will only hurt her feelings if you will deny her now.” Tapos ay muling ibinalik nung matanda ang tingin sa librong binabasa nito.

“Heck NOOOOOOO! He got it all wrong!”

HECK NOOOOOOO! Panggagaya ko sa isip ko. Kung maka-HECK NOOOOOO naman ito kakainsulto! Para bang sa tono ng boses nito ay nakakahiyang mapagkamalan akong girlfriend nito. Kaka-offend ka dude!

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon