Author's Note:
TIngin ulit sa mulitmedia sa right. ......................
Haruma Miura as Dave... ^__^
Salamat ng marami sa time na binigay mo for this novel!
_______________________________________________________
"La-la-la-la-la-la-la-la...." masayang paghuhum ni Liz habang naglalakad papunta sa kanyang bagong classrom - ang M207.
Maganda ang mood niya dahil hindi na niya makikita ang G-5.... Hindi na rin niya magiging seatmate si Hero...... :)
"Andito na rin sa wakas!"
Binasa niya ang label sa taas ng pintuan. "EM-TWO-ZERO-SEVEN.......Ito na nga iyon!"
Super aga naman niya ngayon. Wala pa ngang tao talaga sa school eh. Siya pa lang yata. 6:25 am pa lang kasi at 7:30 am pa ang klase niya kaya sigurado siyang hindi siya late! Maaga siyang dumating sa araw na iyon dahil ayaw niyang malate at mangyari ang nangyari kahapon. Baka kasi makasalubong na naman niya ang Hero na iyon. Mahirap na!
Pinihit niya ang doorknob at binuksan niya ang pintuan.
"Hello!!" nakakalokong bungad sa kanya.
Tumambad sa kanya si Hero kasama ang iba pang miyembro ng G5!!!!!
Nagulat siya sa nakita at naisip na baka nagkamali na naman siya sa classroom na pinasukan. Pero imposible dahil tiniyak talaga niya kanina na sa M207 nga siya pumunta.
Baka sila ang nagkamali ng pinasukan?
"Bakit kayo nandirito?!?" galit niyang tanong. Grrrrrrrrrr.....Kala talaga niya hindi na niya sila makikita.
Nagsalita si Hero ngunit sa pag-aakalang sasagutin nito ang tanong niya ay nagkamali siya.
Bumaling ito kay Dave, "Dave, Saan na nga ba ulit ang classroom natin?"
Ano ba yan! Bakit tinatanong nito iyon. Di ba nito alam iyon? Sabi ni Liz sa isip-isip niya.
"Sa M201 tayo Hero." sagot naman ni Dave.
"Eh bakit nandito sa M207 ang transfer student kahapon?" nakangising tanong ni Hero sa mga kasama nito bago ito tumingin sa kanya.
Hindi niya napigilan ang sarili kaya sinagot niya ang tanong nito."Syempre dahil dito ako! At bakit ba kayo nand-----"
Napatigil siya sa kanyang sinasabi at namutla ng may mapagtanto.
Alam nila!!!!
BINABASA MO ANG
Liz [Completed]
Teen FictionMy first story. Unedited. Dami mali. Dami spaces between paragraphs. -_-