Two weeks na akong hindi kinocontact ni JiHoo mula nung nangyari yung labanan dun sa safe house ng mga Bloods. Sabi nito, tatawagan na lang daw niya ako kapag may gusto itong ipagawa sa akin. Until now, wala pa naman. Yay, sana lang tuluyan na nitong makalimutan iyon. Wish me luck! ^__^
For two weeks, wala akong ginawa kundi kumain sa bahay, matulog, at mamasyal – diyan nga lang sa malapit. Minsan lumalabas din kami ni Lolo para kumain sa labas.
And today ay nasa bahay ako. Just chilling and nakaupo at nakasandal sa kama while reading my favorite Agatha Christie novel.
“Ahhhhhh, this is life!” nakangiti kong wika habang inaabot ang juice na nakapatong sa table.
Umiinom ako ng juice ng biglang nag-ring ang cellphone ko.
*Unknown number calling*
Naging alerto lahat ng senses ko sa katawan.
Please! Huwag naman po sanang si Baka ito! >_<
Hesistant kong sinagot ang tawag.
“Uhm, Hello?”
“Hello Liz gurl!!!!” masayang boses ni Jessica iyon.
Nakahinga ako ng maluwag dahil si Je pala iyon at hindi si JiHoo.
“Nagchange number ka?”
“Ay hindi. Bagong number ko ito. Bumili kasi ako ng isang cellphone eh. Pero gagamitin ko pa rin yung dati.”
“Ah okay. Ano, musta na?”
“Eto, bored ngayon. Dapat kasi sumama ka. Ang arte lang nung Princess na iyon eh. Laging, ay Hero ayoko diyan. Ay Hero, biglang sumama pakiramdam ko. Ay Hero, nahihilo ako.” Sinabi nito iyon habang ginagaya ang boses ni Princess. “Grabe! Sumama pa siya dito! Kabadtrip talaga!”
“Humiwalay na lang kayo nina Reid.”
“Yun nga plano naming bukas eh. Bahala na si Hero kay Princess bukas. Basta kami nina Reid, Alex, Dave, at Cloud, magkakanya-kanyang labas.”
“Mas mabuti pa nga iyan.”
“Oh, ikaw musta ka naman Liz?”
“Hmmm…Inienjoy ang bakasyon syempre. Hehehe.”
“If I know, nagbabasa ka na naman diyan ng libro!”
“Pano mo alam?”
“Hay naku friend. Kahit wala ako diyan ngayon, nafefeel ko anoh!”
BINABASA MO ANG
Liz [Completed]
Teen FictionMy first story. Unedited. Dami mali. Dami spaces between paragraphs. -_-