-------------------------------------------------------------
“Love knows no limit to its endurance, no end to its trust, no fading of its hope; it can outlast anything. Love still stands when all else has fallen.”
-------------------------------------------------------------
Naglakad ako pabalik dun sa umpukan nina Jessica ng matapos akong mag-CR.
Gulong-gulo pa rin isip ko. Kasalanan ni Hero! Hindi naman ako dapat feeling maguilty pero yun nararamdaman ko. Nagi-guilty ako kasi baka hintayin nga niya ako at wala naman itong mapapala. Isa pa, naaawa ako sa kanya dahil sa ginawa ni Princess.
And speaking of Princess! Ang sarap talagang itapon sa dagat na punong-puno ng mga pating ang Princess na iyon! >_< Hindi lang kasi si Hero niloko nito ngunit maging sina Cloud, Alex, Reid, Dave, at Jessica niloko nito ng idahilan nito na may Leukemia ito kaya iniwanan niya si Hero noon. Sobrang malasakit pa ginawa nina Je noon sa school at nung nasa Europe sila dahil sa sobrang pag-aalala na nagrerecover palang ito sa sakit. Yun pala – puro kasinungalinan lang lahat! Pffttt!
Palapit na ako sa table nina Je. Napakunot-noo ako ng mapansing wala si JiHoo.
“Si JiHoo?”agad kong tanong kay Jessica pagdating ko doon.
“Nag-CR lang yata saglit.” Sagot naman ni Je.
Umupo na ako at nakisali sa kuwentuhan.
Maya-maya dumilim at inilaw ang spotlight dun sa stage.
May umakyat na isang may edad na lalaki. Mukhang kagalang-galang base na rin sa suot nitong suit at sa paraan ng paglakad nito.
“Good evening to those who are here today for the celebration of my son’s birthday. To all of you, my deepest gratitude in coming to this party……”
Son? Tatay ni Hero?
“Father ni Hero?” di makatiiis na tanong ko kay Jessica.
“Yup…Leonardo Fuentebella. The man behind the Fuentebella empire.” nakangiting sagot ni Jessica.
Habang nagspeech father ni Hero, pinagmasdan ko ito. Despite his age, makikita pa rin ang tikas at kaguwapuhan nito nung kabataan nito. Dito nga siguro nagmana si Hero dahil medyo may hawig silang mga features. Yung iba nga lang sigurong features ni Hero ay sa Mommy nito namana.
BINABASA MO ANG
Liz [Completed]
Teen FictionMy first story. Unedited. Dami mali. Dami spaces between paragraphs. -_-