Chapter 19 She's back!

5.9K 71 23
                                    

 Now playing: Sino Nga Ba Siya? by Sarah Geronimo

 __________________________________

Nang mga sumunod na araw at  linggo, ganun pa rin treatment ng the rest of SKY sa kanya. Except syempre sa mga kasundo na niyang mga classmates niya sa M207.^_-

Nakakaconscious na ngang pagtinginan araw-araw sa school eh, pero later on nasanay na rin siya.

Si Je, naman taga ibang Building kaya madalang rin niya itong makasama. -_-

Ni hindi nga siya makakain sa Cafeteria.

Wawa tuloy mga alaga niya sa tiyan! >_<

Dahil dun, dun siya sa sariling building ng G-5  pumupunta pag kainan na!

Hahaha! Pinapakain siya ng mga mokong na iyon dun eh.

Nasanay na rin siyang kasama ang limang gunggong.

Masaya at kalog ang mga itong kasama.

Parang mga kapatid ang turing na niya kina Alex, Reid, Dave, at Cloud.

Ang tawag nga sa kanya ng mga ito ay “Meimei” na ibig sabihin ay Little Sister sa wikang Mandarin.

[A/N: Meimei pronounced as MAYMAY]

Si Hero naman, ang bait-bait ngayon…. Nakakapanibago nga eh!

Pero minsan, tinotopak pa rin ito! >_<

Naiinis nga siya minsan kung bakit dito pa siya nagkagusto.

Kung puwede lang sanang pigilan ang kanyang puso eh di ginawa na niya.

Nang araw na iyon, nasa place ulit siya ng G-5 sa loob ng school.

“Meimei, gusto mo ba ng Pizza?” tanong sa kanya ni Dave.

Ahahaha! Kaya naman gustong-gusto niyang tumambay dito eh.. Lagi ba naman siyang binubusog…

Kaya naman Labs na Labs na niya sila…

“Oo naman….Meron ba?”

“Wala pa… mag-oorder pa lang..Anong gusto mong flavor?”

“Kahit ano na lang… Bahala na kayo…”

Kinuha nga ni Dave ang phone nito at nag-order.

Binubutingting niya ang laman ng bag ng mapansing nawawala ang isa sa textbook niya.

Nakalimutan siguro niya sa library  kanina.

“O san ka pupunta?” tanong ni Reid sa kanya.

“Babalikan ko lang yung libro ko sa library…Nakalimutan ko eh. Sakto mamayang pagbalik ko andiyan na yung Pizza.”

Liz [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon