Author's Note:
Medyo mahaba itong update na ito... Hope you like it........ :)
__________________________________________________
Pag-enter niya sa classroom nila sabay-sabay pang tumingin lahat ng classmates niya sa kanya. Medyo natawa lang siya sa parteng iyon. Parang pinagpractice-an nila ang pagpasok niya ah!
Tapos maririnig niya ang bulong-bulungan ng mga ito...
Kanina sa lobby, sa hallways, sa hagdan, at maging dito sa classroom ganoon ang eksena!
Whoooooooo! Sikat na nga ako!Umupo na siya sa kanyang upuan.
Hindi pa rin sila tumigil sa kabubulong. Patuloy rin sa ang matatalim na tingin sa kanya ng kanyang mga girl classmates.
Siguro kung nakamamatay lang ang tingin, sa school gate pa lang kanina TIGOK na siya!
Dahil wala pa ang Prof at wala rin namang kumakausap sa kanya, minabuti niyang ilabas ang cellphone at maglaro na lang muna.
Uy, may messages at miscalls pala ako. Puna niya ng makita ang 5 messages at misscalls sa screen ng CP niya.
Ang dami namang texts ni Hero! Binuksan niya ang unang text.
1st message:
R u ok?
2nd message:
Hey, r u ok? Y r u not replying?
3rd message:
I'M CALLING! Answer it!
4th message:
ANSWER UR DAMN PHONE! Where in d world r u????
5th and the last message:
R u in ur classrum? I'M COMING THERE!
ANO DAW????? Pupunta siya dito????? O_____o
Oh no! Baka patayin na siya ng tuluyan ng mga babae sa SKY pag kumalat ulit ang balitang pinuntahan siya ni Hero sa classroom niya.
Bilis! Kailangan niyang magreply na wag itong pumunta dun!
Mabilis siyang nagtext ng reply.
WAG U PUNTA D2! UTANG NA LOOB!
Pero bago pa niya mapindot ang SEND BUTTON, may dumadagundong ang boses na pumigil sa kanya.
"ARE YOU HERE?!?"
Kahit di niya tignan kung sino yun, kilalang-kilala na niya kung kaninong boses ang nagmamay-ari nun.
AISHH! Andito na siya!
BINABASA MO ANG
Liz [Completed]
Teen FictionMy first story. Unedited. Dami mali. Dami spaces between paragraphs. -_-