CHAPTER 4

1.4K 39 5
                                    

CHAPTER 4

Yanna's Point Of View

Panibagong araw nanaman ito para sa akin. Panibagong pagsubok at mga bagong pangyayari na di natin inaasahan.

Andito ako ngayon sa club namin. Thursday kasi ngayon at kapag thursday and friday may club kami kaya ako eto walang makausap. Kokonti lang kaming creative writing,mas marami talaga ang sumali sa dance club. Atsaka eto ako ngayon napag iwanan ng best friend .

Si Drei kasi sa art club siya sumali,magaling kasi siya magdrawing

Si Alex,Jerome at Ina sa dance club. Wag niyo na ako tanungin kung bat diyan si Ina,kasi alam kong alam niyo na ang sagot sa tanong na yan.

And si Paul kasama ko dito sa creative writing club. And speaking of him,papunta na siya dito. Bakit ko nalaman? Malamang nagsitilian na yung mga babae e.

'Kyaaahh!! Ang swerte naman natin,dito pala siyang club'

Seriously hindi nila napansin yung pangalan ng mokong na to.

'Emegesh bes! Akin na ang foundation magpapaganda ako baka sakali mapansin niya'

Kala mo naman talaga mapapansin sila

'Shingina bes! Hindi ako ready tignan mo hindi tuloy ako nakahanap ng magandang damit,hayy naku next time talaga'

Tsss ang iingay. Kala naman nila ngayon lang nila nakita tong lalaking to,e halos araw araw nga nila tinitilian to. Di ba sila napapaos?

Sa mga babae dito sa room, ayun puro tili,nangingibabaw na yung mga boses sakit sa tenga. Kinuha ko yung headset ko sa bag atsaka nagpatugtog.

Good! Safe na ang eardrums ko.
Pumikit na lang ako and feel the music.
Sarap sabayan ng kanta.

'Ano iyong pangalan?
Nais kong malaman
At kong may nobyo ka na ba?
Sana naman wala..

Di mo ko masisisi
Sumusulyap palagi
Sayong mga mata
O kay ganda o binibini

Pa chorus na sana ng napansin kong tahimik ang buong kaklase ko sa club at nakatingin sa akin.
Napakunot naman ako.

Luh problema nila?

Tumingin ako sa kaliwa ko.
Ayy hala! Bat siya nasa tabi ko?
Kaya naman pala nakatingin sa akin kasi,sino ba naman ako para tabihan ng isang gwapo at sikat na sikat sa school.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko,ayoko nito baka mamaya mapag tripan nanaman ako ng mga babae diyan. Tsk

"Nag aaral."

Husay! Haba ah! Tsss -_- Ganda pa ng sagot niya! Grabe ang galing sobra! Wooo!! The best tsk

"Ganda ng sagot mo ah"

Pabulong kong sabi para di marinig.

"Tsss. Totoo naman kasi"

Akala ko di niya narinig,kaso mali. Ang lakas ng pandinig nito.
Hindi ko na siya nasagot kasi biglang pumasok ang teacher namin.

"Good morning class. Ako nga pala si Ms. Davis ang teacher niyo sa creative writing club. Okay saglit lang to,bibigyan ko lang kayo ng gagawin bilang pares at ipapasa sa next thursday. Hindi ko na pahahabain pa. Kong sino yung katabi niyo sila ang magiging kapartner niyo para sa gagawin niyo."

huwaaaat!!?

No!! No!!! Hindi ako makakatagal sa lalaking to

"May reklamo ba kayo sa nga katabi niyo?"

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon