CHAPTER 5

1.3K 38 3
                                    

CHAPTER 5

Yanna's Point Of View

"Anong title ng gagawin nating story?"

tanong ko sa kanya,yeah kay Paul malay mo naman kasi diba may alam siya.

"Hmm ano ba?"

Nag isip siya kung ano ba ang title ang ilalagay namin. Akalain mo yun may utak pala siya. Tsaka matino utak neto ngayon.

"Second Chance"

Ano daw,second chance? May second chance pa ba? Uso pa pala yun.

"Eh paano natin to gagawin?"

tanong ko sa kanya. Kasi diba magkaiba kami ng opinion about sa mga ganyan.

"Ganito magbibigay ka ng opinion about sa second chance,then magbibigay ako tapos ipagsasama natin yung idea natin"

Yahh it was actually a good idea,talino naman this boy

"Okay,sino mauuna? Ikaw na lang kaya"

Naiilang ako sa topic na to. Hindi ko alam pero may something na parang tumusok sa puso ko. Is it because about my past?

"Ikaw na,ladies first"

Bakit ba nauso ang ladies first!? Sino nagpauso nyan!? Argh!

"Okay,sige. For me ang second chance ay pagbibigay ng dalawang pagkakataon"

Saad ko,nagulat naman ako ng batukan niya ako. Aba!!!! Wala siyang karapatan para gawin yun ah.

"T*nga malamang,second chance nga diba. Tinagalog mo lang."

kainis to ah nabatukan na nga,na t*nga pa.

"Wait lang kasi di pako tapos,bigla bigla na lang kasi mambabatok,aba paganti"

Lalapit na sana ako ng tumayo siya. Aba! Gusto pa yata nito maghabulan ah.

"Aaaaaaaahhhhh!! Humanda ka sa akin,pag naabutan kita"

Sigaw ko,ba wala ng hiya hiya to. Sakit kaya mabatukan tapos ma tanga! Tas ang bilis bilis pa,actually mabagal lang talaga ako.

"Kung mahahabol moko,panget"

Napatigil naman ako sa sinabi niya.

Ano daw?

Panget??

Tsss pamukha pa niya. Nakakawala tuloy ng gana kainis makapangit to kala mo naman gwapo. Okay oo na gwapo siya pero yung ugali kairita

"Alam ko na yan di mo na kailangan ipamukha"

Cold kong sabi. Nakakabadtrip naman to. Minsan nakakalungkot din marinig ang ganung salita. Sawa na ako sa ganun.

"Okay"

Yan lang sabi niya. Ambait niya 'no. Hindi talaga uso sa kanya ang salitang sorry. Tsk sayang yung kagwapuhan kung ampanget naman ng ugali

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon