Epilogue
Wala pa rin pala talaga pinagbago ang Pilipinas maganda pa rin at maayos. Ang sarap langhapin ang ang hangin at kay gandang pagmasdan ang mga kulay asul na ulap.
Siya kaya? Nagbago kaya siya?
Nakakamiss,nakakamiss sila. Ang hirap malayo sa mga taong importante at mahal mo. Ang hirap,pero kailangan tiisin.
Worth it naman lahat kasi naalala ko na sila,kung ano ang mga nangyari bago ang aksidente. Pero siguro para sa akin,hindi na importante kung maaalala ko sila. Kasi alam naman ng puso ko na sila yung tinitibok nito. Kasi sabi nga,
"Ang utak nakakalimot,pero yung puso hindi"
Alam niya kung sino ka sa buhay niya at gaano ka kahalaga.
"Yannaaaaaaaaaa!"
Err. Ang ingay pa rin pala talaga niya. Yinakap niya ako ng mahigpit na matagal ko ng gustong maramdaman. Ang hirap pala talaga mawalay sa mga taong mahal mo. Yung parang sa paglisan mo wala ka ng alam sa kanila.
"Hey I miss you so much."
Di ko siya narinig na sumagot bagkus yinakap niya lang ako. Naramdaman ko yung mga basang luha galing sa mata niya papunta sa balikat ko.
"Baka mabasa damit ko girl!"
Bumitaw na rin siya,halatang inalagaan siya ni kuya. Ang ganda niya pa rin,walang pinagbago. Siya pa rin yung Ina na kaibigan ko.
"Nakakainis ka! Ganun ba katagal bumalik ang alaala mo!? Kala ko pa naman sabay sabay tayong ga graduate!"
"I was there."
"A-ndun ka? Pano?"
"Hindi ko kayang laktawan ang araw ng mga mahahalaga na tao sa akin."
Bumalik ako nun sa Pilipinas,bakit? Hindi ko rin alam,basta sinabi ng puso ko na kailangan masaksihan ko ang araw na yun. Hindi ko pa naaalala lahat,pero pumunta ako. Masaya ako kasi nakita ko silang tumutupad sa kanilang mga pangarap. Gusto ko silang yakapin that time kaso hindi ko kaya. Gusto ko kasi pag yinakap ko sila,alam ko na kung sino sila sa buhay ko.
"Sa birthday niya? Andun ka rin tama ba?"
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Para akong spy ng mga araw na yun,nagtatago ng walang kasalanan.
"I knew it! Nakita kita sa labas kaso di ko lang sure kung ikaw yun."
Lumabas kami at gumala. Bonding na rin muna siguro namin to,tutal wala pa naman nakakaalam na uuwi ako bukod sa kanya at kela mommy. Even kuya hindi niya alam,kaya hindi ko alam kung pano ko sila isusurprise. Siguro bukas ko nalang sila pupuntahan,pati siya. Today,kami lang dalawa ni Ina. Wala ng iba.
"Ang daming ganap nung nawala ka. Sila Drei at Trixie parang something na kaso di ko alam kung may pag asa ba. Si Alex guess what girl? May nililigawan kaso mas matapang sa kanya."
Lahat yan alam ko na,nawalay man ako sakanila pero mine-make sure ko na may alam ako sa kung anong nangyayari.
"By the way girl,ano regalo ko diyan? Wala bang shoes,make up man lang ba dyan?"
I knew it,masyado kasing pa girly talaga tong babaeng to. Kaya ayaw minsan bigyan ni tita ng pera dahil ubos pag nasa mall. Kailan kaya matututong magtipid to?
"Mamaya na,tara na sa bahay."
Sabay kaming umuwi sa bahay at dahil nga siya si Ina hindi natigil ang pagkukwento niya. Kahit na alam ko na yung iba hindi ko pa rin siya pinigilan,ayoko naman na basagin yung mga kwento niya diba? Napapaisip ako paano kaya natagalan ni kuya si Ina? Ang alam ko kasi hindi niya Ideal girl to,ibang iba si Ina sa ideal girl ni kuya. Siguro nga power of love na talaga.

BINABASA MO ANG
The Nerd
Roman pour AdolescentsShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...