CHAPTER 13
Yanna's Point Of View
Mabilis nagdaan ang araw. Natapos ang mahaba habang practice namin ni Paul para sa Mr And Ms Campus. At ito kami ngayon naghahanda na para sa magaganap na event.
Lahat ng tao busy. Lahat sila aligaga sa pag aasikaso sa event. Yung mga kaklase ko nagme meeting kung sino magdadala ng tarpaulin na nakalagay ay PaulNa at may picture namin. At kung ano ano pa.
Kung ako lang talaga ang masusunod papatigil ko yan sa kanila. Kasi aaksayahin lang nila yung pera nila. Sayang yun,atsaka yung makita lang namin sila na nag checheer sa amin okay na yun. Basta andyan sila para sumuporta.
Pero okay lang naman yung gagawin nila sa amin,kasi alam naming pinaghirapan nila ito. Except nga lang kay Tanya atsaka sa mga alipores niya. Hindi kasi talaga nila matanggap.
"Beshy! May sosoutin ka na ba bukas? Like gown at swimsuit for swimwear?"
Tanong sa akin ni Ina. Sa totoo lang hindi ako sang ayon sa pag sout ng swimsuit. Ayoko kasi ng ganun,lalo na at nakikita ang katawan ko. Pero ano ang magagawa ko part yun.
Tumango lang ako sa kanya at tinignan pa rin ang mga kaklase ko. Napansin ko rin na bumalik na si Ina dun kung saan siya nanggaling. Dun sa tiyan ng nanay niya. Joke! Dun sa mga babae na nag uusap usap.
"Hey,ready ka na ba bukas?"
Kausap sa akin ni Drei.
"Yah"
Ewan ko ba pero parang ayaw ko magsalita ng mahaba. Parang tinatamad ako na ewan.
"Good luck sa inyo ni Paul. Sana manalo kayo. Alam mo ba gusto ko sana ako yung makapartner mo?"
"Bakit?"
tanong ko sa kanya.
"Wala lang. 'Gusto ko kasi ako lang lagi ang kapartner mo'"
Alam kong may sinabi siya sa dulo pagkatapos ng wala lang. Pero hindi ko marinig. Masyaong mahina.
"Ha? May sinasabi ka?"
"Ah wala. Sabi ko good luck ulit sa inyo. Babyeee!"
Sabi niya sabay takbo palabas ng room. Weird nitong lalaking to,kahapon pa. Ganito kasi yun.
*Flashback*
Andito ako ngayon sa hallway naglalakad. Mamaya pa kasi ang practice namin sa Mr And Ms Campus kaya naglilibot muna ako. Habang naglalakad ako sa hallway nakita kong sumabay sa akin si Drei.
"Hi!"
bati niya sa akin. Tumigil muna ako para tignan siya. Shems! Anong meron bakit ganyan ang itsura niya? Yung dating buhok niya na magulo ngayon halatang sinuklay na. Yung mukha niya na laging pawisin,ngayon parang pinulbuhan. At yung hikaw niya sa tenga wala na. Anong nagyari at nag ayos to?
"Ah e-eh Y-yanna?"
pag agaw ng atensyon niya sa akin. Kaya mabilis akong tumingin sa kanya ng nakakunot ang noo.
"Bat nag ayos ka?"
Syempre nakakapanibago naman yun diba. Yung bestfriend mong wala pakialam sa itsura ngayon umayos. Siguro may nililigawan siya?
"Uhh ehh t-tr-trip ko lang"
Bakit ganun? Di siya makatingin ng diretso sa mata ko tsaka nauutal siya. Muka ba akong nangangain ng buhay?
"Bakit di ba bagay?"
tanong niya na ikinatawa ko. Anong klaseng tanong yun? Kahit ano naman ang itsura ni Drei at ng tatlo niyang kaibigan gwapo pa rin sila. Hearttrob nga diba? May hearttrob bang panget?
"Sabi ko na nga ba e."
napatakip naman siya sa mukha gamit ang dalawa niyang kamay na mas lalo kong ikinatawa ko. Para siyang bata na nahihiya sa mommy niya na magpakita ng birdie!
"Ampanget ko 'no. Tsk dapat pala di na ako nag ayos"sabi niya na aalis na sana kaya agad ko siyang hinawakan sa kamay.
"Hahaha! sorry kasi naman e. Ano bang klaseng tanong yun?"
tanong ko na nagpatigil sa kanya.
"Tsk. Alam ko namang panget ako wag mo ng itanong pa sa akin."
"Hahaha kakatawa ka talaga. Lalo na yung itsura mo. Bakit ka ba nagpapagwapo?"
Kanina pa kasi ako tawa ng tawa at hindi ko man lang na itanong kung bakit ganyan ang ayos niya ngayon
"Para kasi sana sayo"
sakin? Di ko naman birthday ah.
"H-huh?"
"Ugh! Wala alam ko na. Di bagay sa akin diba? Tsss"
sabi niya sabay talikod.
"Alam mo ang shunga mo. Kahit ano namang ayos gwapo ka. Hindk mo na kailangan mag ganyan. Hearttrob ka nga diba? Saan ka nakakita ng hearttrob na panget hayss"
sigaw ko,sabay talikod.
Loko yun ah. Napaka weird. Mag aayos para sa akin? May sinabi ba ako na mag ayos siya? Sa pagkakatanda ko wala. Hayss ang gulo niya at ang weird sobra."T-talaga ba? Gwapo ako?"
Nagulat ako ng may humawak sa braso ko. Pagtingin ko si Drei yun
"Oo naman,sino bang nagsabing hindi?"
"Hihi wala naman,sige una na ako.. Bye."
Weird talaga nun. Naka drugs ata.
*Flashback end*
See? Mag ayos ba naman ng dahil sa akin daw.
"Ms. Tan"
tawag sa akin ni Sir Jason.
"Bakit po?"
Tanong ko. Alam niyo ba sobrang thankful ako kay sir Jason kasi pag inaapi ako lagi siyang nadyan para tulungan ako. Para ko na nga siyang second daddy sa ginagawa niya. Ang bait niya sa mga tao. Kaya nga nung inoffer niya sa akin ang pagsali sa Mr. And Ms. Campus hindi na ako nagdalawang isip. Kasi parang paraan ko na lang yun bilang pangbawi ko sa lahat ng tulong na nagawa niya sa akin.
"Good luck sayo bukas. Alam kong kaya ko yan. Just be yourself! Sige bye good luck ulit sa inyo ni Mr. Tiu"
See napaka supportive niya. Siguro ganyan lang talaga siya sa mga bata or teenager. Hindi kasi sila nabiyayaan ng asawa niya ng anak,kaya siguro nilalaan niya na lang sa ibang bata.
Nakakalungkot ngang isipin. Ang bait bait niya pero wala siyang anak na magmamana sa kabaitan niya. Sayang talaga.
Pero I know na lahat ng pangyayari ay may dahilan. Siguro hindi lang talaga para sa kanila ang mga ganung bagay.
Basta ako,okay na ako sa kung anong meron ako. At hindi ko hahayaan na mawala sila sa akin,at sa buhay ko. Lalo na sa parents ko kung wala sila,wala ako. Kung wala si God,wala ang parents ko na laging andyan for me. Masaya ako kasi nabiyayaan ako ng mga ganitong tao. Wala na akong mahihiling pa.
*

BINABASA MO ANG
The Nerd
Novela JuvenilShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...