CHAPTER 14
Yanna's Point Of View
"Hoy babae! Nagpuyat ka nanaman ba? Gumising ka na diyan at baka ma late ka"
Sabi ni Ina habang ginigising ako. Tinatapik niya ang binti ko at tinatanggal niya pa ang mga unan na nasa mukha ko pati ang aking kumot.
"5 minutes"
Kinuha ko ulit ang unan na nasa paanan ako at tinabon sa mukha ko. Maaga pa naman,excited masyado.
"Aba! Aba! Hoy babae hindi ka na four years old para gumanyan. Bumangon ka na diyan at baka mahuli tayo"
Pagtanggal niya ulit sa unan na nasa mukha ko at tinapik ang pisnge ko. Dumilat ako at nakita ko siya na nakapamewang habang dinadaldal ako.
"Ito na,ito na,maliligo lang okay?"
Bakit kasi dito pinatulog ni kuya si Ina. Sabi na kukulitin lang ako neto. Pero mas nakakainis talaga gabi,napuyat talaga ako dahil sa general rehearsal namin. Di kami tinigilan ng trainor.
"Good. Bilisan mo"
Tumango lang ako at pumasok sa cr. Habang siya ay nililigpit ang kama ko. May masipag na espiritu ang sumapi sa kanya.
Natapos ako mga 25 minutes at nagbihis na. Nagmadali na rin ako dahil baka masermunan nanaman ako ni mommy Ina.
Pagkatapos ko magbihis,bumaba na ako at umalis na kami. Excited sila e. Kanina pa nga sila di mapakali na akala mo sila ang lalaban.
Mabilis kaming nakarating sa school at ito ang aaga ng mga tao. Busy sa mga kani kanilang kaklase na kandidato. Napangiti na lang ako ng makita ko ang mga kaklase ko na andito na para sumuporta. Maging ang mga teacher ko.
"Wooo!! Galingan niyo ah"
"Good luck sa inyo"
"Sana manalo kayo,Godbless"
Sabi ng mga kaklase ko. Tumango na lang ako at ngumiti. Nakita ko na rin si Paul at nag thumbs up siya sa akin at ako naman walang ginawa kundi ang ngumiti.
Pumunta na kami doon sa kwarto kung saan ako aayusin.
Pagkapasok ko nakita ko na ang pinsan ni Ina,kumaway naman siya sa akin."Hello po"
Bati ko sa kanya habang nilalagay ang mga bitbit kong gamit sa lamesa.
"Hi,tara na. Ayusin na kita."
Lunapit ako sa kanya at umupo na. Inayos niya muna ang buhok ko habang may nag m-make up sa akin sa harap. Pumikit ako tulad ng sabi ng nag me make up sakin.
"Ayan,perfect"
Dumilat ako at nakita ko ang tali niya na side pony. Na shock ako mga teh! Ang ganda ko pala talaga. Di ko maimagine.
"O sige na girl,gora kana at magbihis na"
Pumunta na ako sa dressing room at nakita ko ang sosoutin ko. Isa itong hawaiian dress na floral at color blue. Kaya masasabi ko na maganda talaga ang dress na ito sa buhok ko. Agad agad kong sinout ito at lumabas na. Nakita ko naman si Paul na naka sweater na blue at may t shirt ata sa loob neto. Naka black pants din siya. Pinartneran niya talaga ang kulay ng dress ko.
BINABASA MO ANG
The Nerd
Novela JuvenilShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...