CHAPTER 34
Yanna's Point Of View
Maaga ako pumasok ngayon sa school at nakita ko si Ina na nakaupo sa bench habang si kuya ay nakaupo sa tabi niya at may bag sa pagitan nila. Mukhang di pa sila bati hanggang ngayon.
"Yannaaaaaaaaaa!"
Napatakip ako sa tenga ko nung narinig ko ang boses ni Ina na pagkalakas lakas. Lumapit siya sa akin at yinakap ako ng mahigpit.
"Oh my gosh friend! Kamusta kana? May masakit pa ba sayo? Yung ulo mo ba masakit? Mainit ka pa ba? Kumain kana? Naku bes wag ka magpapagutom,masama sa health mo yan. Teka nga uminom kana ba ng gamot! Gosh imissyou friend!"
Ganito ba ang epekto kapag di nagpapansinan sina Ina at kuya ng matagal. Napakadaldal niya,pano ko kaya sasagutin yun?
"Easy! Teka nga miss moko parang kahapon lang nagkita tayo ah."
Yun nga lang umalis siya dahil sa away nila ni kuya. Kaya pala maaga si kuya kasi hihingi ng sorry kay Ina. Kaso sad to say di siya pinapansin neto. Nagliwanag ang mukha ni kuya ng lumapit sa direction niya si Ina kaso agad din nawala ng kunin neto ang bag niya at lumapit sakin.
"Let's go!"
Masiglang yaya niya sakin. Hinatak niya ako pero narinig kong tinawag siya ni kuya.
"Ina!"
Masyadong pa hard to get tong best friend ko. Ni hindi man lang nilingon si kuya.
"Tawag ka ni kuya."
"Ha? May tumatawag sakin? Bakit wala ako narinig?"
Nagbibingi bingihan ba tong babaeng to. Naloloka ako sa lovelife niya.
"May naririnig ka na di ko naririnig bes! Mygosh may third eye ka!?"
Inirapan ko siya at dire diretso naglakad papuntang room. Pagpasok ko dun bumungad sa akin si Trixie na masama ang tingin sakin.
"Inaaaaaa!"
Gosh! May war na magaganap sa room ngayon. Nakita ko si kuya na hinahabol si Ina na halatang galit. Ano nanaman bang nangyari sa dalawang to?
"Fuck you Tan!"
Feel ko tuloy ako yung minumura ni Ina. Remember Tan din kaya apelyido ko.
"What's your problem Ina? i just talk to that girl! Nagtanong siya malamang sasagutin ko,di ako snobber 'no!"
Oh,selos ang best friend ko sa babaeng kausap ni kuya? Sino ba yung girl? Parang kanina lang sinisigawan niya si Ina para tumigil sa paglalakad tapos malalaman ko nalang may iba palang kausap si kuya.
"That's the problem with you Jerome! Alam mo ng magseselos ako pero go ka pa rin ng go! Ano bang problema mo ha? Sinasadya mo ba yan para magselos ako? Kasi kung oo,effective na effective!"
Saad ni Ina habang dinuduro si kuya sa dibdib neto. Halos lahat kami nakatingin sa bangayan nilang dalawa. Na para bang may teleserye na nagaganap. Sana di pa dumating si ma'am medyo nageenjoy pa ako ng kunti sa nakikita ko.
"Stop acting like a childish Ina! Kapag may nagtanong ba sayo hindi mo sasagutin!?"
Well kuya has a point,ang panget naman kung iisnobin mo ang tao diba. Pero depende nalang talaga sa motibo ng taong ito.
"Gaga ka ba o manhid lang! Di mo ba na halata ma may gusto sayo yung babae!? Na alam niya naman ang daan papunta sa cafeteria!? Dont tell me nag eenjoy ka kasama siya kaya di mo napansin na halos ipagsiksikan niya na ang flat niyang dibdib diyan sa braso mo!?"
Aww,napatingin ako sa dibdib ko kasi medyo natamaan ako sa sinabi ni Ina. Ang harsh niya magsalita pag nagagalit. Yung tipong kahit hindi para sayo pero tatamaan ka talaga. Buti na lang talaga di ako flat,naka foam ako e.
"Talagang di ko mararamdaman kasi wala naman effect sakin yun. Try mong idikit ang dibdib mo sa braso ko ng makita mo kung gaano ako naapektuhan sayo. Ikaw lang nakakapagbapabaliw sa akin ng ganun Ina,ikaw lang."
Napatahimik lahat sa sinabi ni Kuya well kanina pa pala tahimik. Pero mas tumahimik ngayon,di ko alam kung kikiligin ba ako o mababastusan sa sinabi ni kuya. Sinulyap ko naman ang natigilang si Ina,bakas sa mukha neto ang pamumula.
"Okay this is so really awkward."
Napadako ang tingin ko sa pintuan at doon iniluwa si Paul na halatang kanina pa nasa labas. Agad siyang lumapit sa akin at hinila ako palabas. Ako naman itong si gaga nagpapahatak.
"San tayo pupunta?"
Tanong ko sa kanya ng medyo magdahan dahan na kami sa paglalakad. Napagod na yata sa kakatakbo.
"Field."
Taray ang sipag magsalita ah.
"Anong gagawin dun?"
"Magme make out."
Napabitaw ako sa kamay niya na nakahawak sakin
"You're joking right?"
"HAHAHAHAHA! Yeah don't take it serious. Remember may kapalit ang pag aalaga ko sayo."
Oh kaya pala,so ngayon namin pag uusapa yun. Tumango ako sa kanya at naglakad papuntang field.
"Teka."
Pinagsama niya ang kamay namin at ngayon ay magka holding hands na kami.
"Yan,mas better. Tara na"
Yung puso ko ayaw tumigil sa kakatibok,parang anytime lalabas na siya. Oh my gosh! Calm down heart,wag ka naman masyado pahalata kaya ka nasasaktan e.
"Okay ka lang? Nanginginig ka."
"O-oo naman."
Nang makarating na kami sa field agad kong binitawan ang kamay niya at lumayo ng kunti sa kanya. Umupo siya sa field at pinagpag ang tabi niya na parang pinapaupo niya ako kaya umupo ako dito.
"So what now?"
"May dalawa ako gustong iwish sayo pero ito muna."
Nag alaga lang sakin dalawa na agad? Grabe ah,sobra sobra na yun. Pero dahil mabait ako papayag na ako.
"What is it?"
"Be my prom date."
Oo nga pala bukas ang prom,bakit ko nga pala nakalimutan yun. Buti nalang nakahanda na lahat.
"Yun lang ba? Sure it's my pleasure Paul"
Nginitian ko at nginitian niya ako pabalik. Those smile,yan yung ngiti na nagpahulog sa akin ng tuluyan sa kanya.
"Yung isa?"
"Malalaman mo sa prom natin,wag excited."
Masyado siyang pabitin,daming alam. Pero sana kung ano man yun hindi mahirap,baka kasi mamaya di ko matupad.
**
Heynah: So ayun po napaaga ang pag update,nag advance kasi utak ko haha. Btw feel ko kasi di complete araw ko pag di ako nag update. And parang pambawi ko na rin ito kasi baka next week pa ako makapag ud kasi busy sa school. Pero kung may free time naman at gumagana utak ko mag uupdate ako. Salamat and goodnight :) ingat kayo sa pagpasok bukas! Happy Fiesta San Juan♥
BINABASA MO ANG
The Nerd
Teen FictionShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...