CHAPTER 11

1K 32 1
                                    

CHAPTER 11

Drei's Point Of View

Ang ganda niya! Kahit pa na noong nerd siya mapapansin mo na ang kagandahan nito. Hindi lang siya maganda sa panlabas maging sa panloob. Kaya nga nagustuhan ko siya.

Yah,I like her hindi bilang kaibigan. Gusto ko talaga siya. Wala pang nakakaalam nun except sa akin. Ayokong sabihin sa kanila lalo na kay Yanna. Ayokong masira ang pagkakaibigan na meron kami.

Torpe?

Hindi ako torpe. Ayoko lang mawala yung meron kami. Hindi ko kakayanin. Mahal ko siya at ayaw kong mawala siya sa akin.

Sa totoo lang hindi ko alam kung kelan ko naramdaman to. Basta nagulat na lang ako isang araw malungkot ako pag wala siya. Bumibilis ang tibok ng puso ko pag magkadikit kami o nagkukulitan at syempre hindi kompleto ang araw ko na hindi siya nakikita.

Nung una naguguluhan pa ako intindihin tong nararamdaman ko pero bandang huli na realize ko din na tama nga mahal ko na ang babaeng yun.

Kahit hindi na siya magpaganda mamahalin ko pa din siya. Kasi hindi naman mukha ang mamahalin ko, siya. Yung buong pagkatao niya. Kaya kahit panget man siya,siya pa din ang mamahalin ko.

Siguro nga karamihan sa iba na attract sa mukha pero naiinlove pa din sa ugali. Kasi ang mukha hindi mo kailangan,hindi mo mapapakinabangan,kasi mawawala din ang kagandahan. Pero ang ugali hindi kumukupas mapapakinabangan mo ito lalo na kong malambing,mabait at maalaga ito.

*******

Yanna's Point Of View

Andito na ako sa school papasok na and as usual nagbubulungan nanaman sila pero hindi ito katulad ng dati. Hindi ko alam kung mapapangiti ako o hind. Pero kung ano man itong nararamdaman ko wala na akong pake,basta ang importante tigilan na nila ako at ang mga kaibigan o malalapit sa akin na laging nadadamay ng dahil sa galit nila.

'Gosh! Girl ang ganda niya'

'Oo nga e. Transferee ba siya? Parang ngayon ko lang kasi siya nakita.'

'Kasali ba siya sa mga kandidato ng Ms. Campus. Kasi kung hindi naku magrereklamo na ako'

Paisip lang ako,bakit ang unfair nila. Kung sino ang maganda at gwapo siya ang pinapansin. Samantalang ang mga di kagandahan ay dinededma. Di ba pwedeng pantay pantay nalang.

"Hi miss,I'am Andrew"

Hinarangang ako ng isang lalaki na ngayon ay nakaabot na ang kamay niya habang nakangiti sa akin.

"H-hello"

Gumanda lang ako pero hindi ako magiging snobber. Dahil ako mismo alam ko ang feeling na hindi pinapansin.

"Wait you look familiar,nagkita na ba tayo?"

Nginitian ko lang siya at dumiretso na. Yes I'am,kasi ako lang naman yung dating pinagtatawanan at hinahagisan niyo ng kung ano ano.

"Sorry but I have to go"

Bago ko lisanin ng tuluyan ang lugar na yun. Ang daming nagbago. Kung noon pinag uusapan ako dahil sa pagiging nerd,at kung paano sila makakagawa ng paraan para mapahiya ako.

Ngayon,pinag uusapan akl dahil sa itsura ko.

'Hala! Diba siya yung maganda kanina'

'Yah. Classmate natin siya'

'Bakit sa upuan siya ni nerd umupo?'

Hindi ko na lang pinansin kung ano ang sinasabi niya. Basta ang alam ko lang tumigil na sila nung pumasok na si Mrs. Gretchen.

"Good morning class."

Bati niya sa amin. At bilang paggalang ay bumati din kami sa kanya at tumayo.

"Okay nalaman ko na si Ms. Tan ang kandidato niyo bilang isang Ms. Campus. Suportahan niyo siya, kailangan manalo ng grade level niyo."

"Ma'am di ba pwedeng si ate nalang?"

Sabi sa akin ng isa kong kaklase habang nakaturo.

"Wait your unfamiliar. Bago ka ba dito? Where is Ms Tan?"

Tumayo ako at lahat naman ng tingin na sa akin. Lalong lalo na ang masamang tingin ni Tanya. Ibubuka ko na sana ang bibig ko ng may biglang pumasok.

"Good morning ma'am. I'm sorry I'm late. Hi bes!"

Sabi niya kay ma'am at dire diretsong pumasok at umupo sa tabi ko. Kasunod niya naman ang heartthrobs na kanina pa pala nakatayo dun.

"Wait don't tell me ikaw si Ms. Tan"

Tumango na lang ako bilang sagot. And as expected magugulat sila. Nerd into a beautiful woman? Unexpected and Unbelieveable.

"Oh you look beautiful Ms. Tan"

Nginitian ko lang si ma'am as a answer. Nagsimula na magturo si ma'am hanggang sa matapos na ang subject niya. At ang susunod naman na subject naman. And katulad ng reaction ni ma'am Gretchen ganun din ang ang reaction ni ma'am Marie.

Nasa kalagitnaan na ng pagtuturo si ma'am Marie ng may kumatok sa pinto.

"Excuse me ma'am sorry po sa disturbo. Pwede po ba namin ma excuse yung two candidates for Mr and Ms Campus"

Magalang na sabi ng President ng Student Council.

"Okay Ms. Tan and Mr. Tiu you may go"

Pagkasabi nun ni ma'am ay tumayo na agad kami.

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mapangiti dahil ang kulit talaga ng President namin sa Student Council. Kanina niya pa kasi dinadaldal kami ni Paul.

Siya si Venus Tiu. Pinsan siya ni Paul,18 years old at mas matanda sa amin. Siya ang president ng student council. Maganda din siya tulad ng iba. Mabait na tao,magalang at sobrang kulit. Magtataka ka na nga lang kasi parang hindi kamag anak ni Paul ito dahil sa kadaldalan.

"I knew it. Sabi ko na e maganda ka talaga. Konting ayos lang girl."

Ngumiti na lang ako bilang sagot nahihiya din kasi ako sa kanya kasi minsan ko lang naman siya nakakausap.

"Alam mo ang bait mong babae. Hindi mo pinagyayabang na gumanda ka. Di tulad ng iba kala mo naman sila ang pinakamaganda sa buong mundo. E wala nga sila sa kalingkingan ko e."

"Tsaka duh! Kung makalapit at umasta sila sa campus hearttrob kala mo naman papatusin sila ng mga yun. Tsk mga desperada masyado."

"Tsaka kung umasta naman sila akala nila boyfriend nila yung mga yun."

Sunod sunod na salita ni ate Venice. Grabe lang talaga yung kadldalan niya. Kung baga sa cancer pang stage 4 na .

"Bakit ikaw ate Venus? Diba type mo din si Alex. Kaya nga excited ka minsan pumunta sa bahay diba"

Oh yeah! Naalala ko siya,siya yung babaeng nagbibigay ng chocolate sa amin. Actually dinadamay niya lang kami para mabigyan si Alex.

"O edi tumahimik ka din. Daldal mo kasi."

TO BE CONTINUE...

---------

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon