CHAPTER 41

528 13 0
                                    

CHAPTER 41

Yanna's Point Of View

"Yanna litong lito na ako sa mga sinasabi mo. May nililihim ka ba sakin?"

"Wala akong dapat sabihin."

"Ano ba ang gusto mong gawin ko ha!? Sabi mo noon sundin ko ang puso ko,ikaw ang gusto niya kaya ikaw ang sinundan ko. Pero ang sakit pala kasi yung taong mahal ko ay iniiwasan ako na parang ako ang pinaka walang kwentang tao na nakita niya."

Bakit ba ganun? Bakit ang haba niya lagi mag speech?

"I don't deserve you Paul. Mas may better pa dyan kaysa sakin."

"But you're the best. Ikaw lang Yanna."

"Hinahanap ka na ni Trixie,I have to go."

Nagulat kami ng magbukas ang pinto sa rooftop at iniluwa nito sila Trixie at Ina na hingal na hingal.

"What do you want me to do?"

"Ang mahalin siya tulad noon."

"Yan ang wish mo?"

Tumango ako at nginitian siya.

"Tutuparin ko para sayo."

Lumapit siya kay Trixie at hinila ito palapit sa kanya
. Nakita ko,nakita ko kung paano maglapat ang kanilang mga labi. Nakita ko kung paano halikan ni Paul si Trixie. Nakita ng dalawa kong mga mata ang lahat.

Ganito pala yun,mas masakit pala talaga makita ang katotohanan kaysa sa panaginip. Masakit pala ang magiging kalalabasan.

Diba dapat masaya ako? Dapat kasi diba finally magiging sila na ulit. Makakalimutan niya na rin ako,pero bakit ganun? Yung puso ko kumikirot,kabaliktaran siya ng sinasabi ng utak ko.

"Be happy,thank you sa lahat. Sana magtagal kayo."

Kasabay ng pagtalikod ko ay ang pagtalikod sa lahat ng pinagsamahan namin. Kailangan ng itapon at ibasura.

Siguro nga ito na ang itinadhana,ang makawala kami sa isa't isa para hindi na magkasakitan.

Mabuti narin ito para kahit papaano less pain.

Pero anong nangyari? Ito ang gusto ko,ito ang dapat para sa ikakabuti nila. Ito ang ikakasaya ko,pero bakit may luha. Bakit siya tumutulo?

Pero bago pa ito tumulo biglang may humila at niyakap ako. Alam ko kung sino yun,amoy palang niya kilala ko na siya.

Siya yung taong kahit ilang beses ko ng nasaktan ay andyan pa rin lagi sa tabi ko. Siya yung taong never ako iniwan.

"Wag mong titignan kung alam mong masakit"

Hindi,hindi ako nasasaktan. Yun ang sabi ng utak ko pero bakit sabi ng puso ko ang sakit sakit. To the point na parang kunti nalang madudurog na ito. Parang nawawasak na siya.

Hinatak niya ako palabas at siniguradong hindi makakatingin sa kanila kahit sulyap man lang. At ng nasigurado na ni Drei na nakalayo na kami ay agad niya akong binitawan at tinignan.

"Bes okay ka lang?"

Tanong sa akin ng hinihingal na si Ina. Tumango ako sakanya at ngumiti.

"May okay bang umiiyak?"

Agad kong pinunasan ang luha ko at ngumiti sa kanila na parang wala lang. Na parang okay lang ang lahat.

"Meron Ina,siya."

"Inamo! Kakatawa yun? Balik tayo sayo? Masakit diba?"

"Ang ano? Ang pagkakahatak sakin ni Drei?"

"Ikaw!? Bat mo kasi hinatak!?"

Naiinis na tanong ni Ina kay Drei habang sinusuntok ito ng kunware. As in parang tinataas lang yung kamao.

"Malay ko ba!"

"Yanna! Yung totoo masakit diba?"

Humawak ako sa puso ko at pinakiramdaman ko siya.

"Sobra."

Kusang lumabas sa bibig ko ang mga katagang yan.

"Shunga ka kasi,hawak mo na. Nasa kamay mo na pero bakit mo pa pinakawalan? Mahal ka rin naman ng tao ah."

"Walang magagawa ang pagmamahal namin kung balang araw mabibitawan ko rin siya."

Napatahimik sila sa nasabi ko. I mean si Ina,dahil sa kanilang dalawa si Ina ang nakaalam ng totoo.

"Pero bes kahit minsan man lang maging masaya ka. Kahit saglit lang"

"Ayoko maging masaya,ayoko."

"Pero deserve mo yun Yanna"

Singit ni Drei sa pag uusap namin.

"Deserve ko pa nga rin ba ito kung sa huli ay may masasaktan at maiiwan ako? Masasabi niyo pa rin ba yan?"

"Ano ba ang gusto mong iparating Yanna? May tinatago ka ba sa amin?"

"Basta isipin nyo nalang na ginawa ko ito para sa ikakasaya at ikakabuti nyo."

Tumalikod ako at iniwan sila. Dahil ito nanaman ang luha ko,nagbabadyang tumulo anumang oras. Ang hina ko sa ganito,kapag taong mahal ko na ang pinag uusapan natatalo ako.

Tama nga ang nabasa ko sa google na one weakness is enough and love is the deadliest.

Kahit gaano ka katatag at kalakas,matatalo ka pa rin ng love. Kasi siya ang tanging bagay na nagpapahina sayo. Kahit gaano mo siya ipaglaban,matatalo ka. Kasi ang unang iisipin mo ay ang ikakabuti at kalagayan niya.

Di bale ng ikaw ang masaktan,basta para sa ikakasaya niya. Di bale ng makita mo siyang masaya sa ibang tao,okay lang. Ganun katindi si kupido at ang tadhana. Kung si tadhana,pinagtatagpo kayo sa maling panahon. Si kupido naman papana pero ikaw lang ang matatamaan. Ganun sila katindi,papahirapan ka muna bago mo makamit ang kasiyahan na inaasam asam mo.

At sa mga ganyang decision dalawa lang ang pag iisipan mo. Kung doon ka ba sa tama pero mahirap o sa mali pero masasaktan ka. Kasi always remember hindi madaling hanapin ang love. Dahil in the first place hindi siya hinahanap,kusa siyang darating sa buhay ng hindi inaasahan.

Kaya siguro maraming nasasaktan, kasi may makita lang na maganda o gwapo,crush na nila yung iba nga mahal pa. Tignan niyo mo ang attitude bago niyo mahalin,kasi baka sa huli magsisi ka.

"Bes?"

Napatingin ako kay Ina na sinundan pala ako ng hindi ko namamalayan.

"Mm?"

"Andito lang ako ah"

"Thank you."

"Wala ka bang balak sabihin sa kanila? Habang buhay mo nalang ba ililihim yan? Kasi magulo,maguguluhan sila kung hindi nila malalaman kung bakit ganyan ka."

"Ayoko,ayokong makaistorbo sa mga kasiyahan nila."

"Pero walang sekreto ang hindi nabubunyag."

"Handa akong harapin lahat pag nalaman nila. Im always ready Ina,always."

"Dalawa ba ang meaning nyang sinasabi mo?"

Pero hindi ko siya sinagot,sa halip ay nginitian ko nalang siya.

****

Goodluck sa exam (kung mero man bukas),kaya ng mga wattpaders yan. Kung ang characters nga nakakabisado yung mga lesson pa kaya HAHAHAHAHA! payting mga teh,dasal muna bago mag take ng exam. Thank you sa pagbabasa ng storyq xoxo ( ͡°❥ ͡°)

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon