CHAPTER 23

840 26 2
                                    

CHAPTER 23

Yanna's Point Of View

Kahapon pagkagising ko pinauwi na ako ng doctor. Kasama ko nun si mommy kasi si daddy may meeting daw. Habang si kuya naman ay maagang umuwi para masundo kami ni mommy.

Andito ako ngayon sa school at sa totoo lang parang ayaw ko pa pumasok. Kasi yung mga tingin nila sa akin parang ewan. Siguro kung nakakamatay man yang mga tingin nila, kanina pa ako patay. Wala naman akong masamang ginawa ah. Except nga lang kung naniwala sila sa sinabi ni Trixie. Bakit ba ganun ang mga tao? Humuhusga na agad sila,e wala pa ngang patunay kung totoo ba yung pinagsasabi nila.

"Hi Yanna!"

masiglang bungad sa akin ni Paul. Isa din to e,napaka weird din. Sabagay ano ba naman maaasahan ko. Akalain niyo nga naman yun kala mo tahimik pero kapag naging close mo na sobrang daldal.

"Hello"

nakangiti kong sabi. Well hindi naman sa nagmamayabang ako,pero alam niyo bang maraming nagsasabing maganda ako kapag nakangiti, charot! K,corny ko 'no.

"Papasok ka na?" tanong niya sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot. "sabay na tayo."

"A wag na may pupuntahan pa kasi ako e. Byeeeee!"

Sabi ko sabay takbo. Hindi naman sa iniiwasan ko siya pero kailangan, kasi ayoko maging issue nanaman ito. Kung ang pagdikit ko nga sa kanta issue na pano pa kaya kung magkasama kami pumunta sa room?

"Hi Yana!" bati sa akin ni Drei

"Hello" pabalik kong bati sa kanya.

"Ahh Yanna! Pwede ba kita yayain mamaya sa labas?"

nahihiyang tanong niya sakin.

"Yah sure. See ya."

Sabi ko bago umupo. Nakita ko siya na nakatayo pa din sa pinto na namumula? Anyare dun? Di kaya may sakit to si Drei at ayaw sabihin sa amin.

"Uy Yanna! Bat moko tinakbuhan kanina ah?"

tanong sa akin ni Paul. Oo nga pala sa likod ko lang sila. Haays ang hirap naman iwasan nito. Alam kong may mali e,may mali sa mga nangyayari,at may mali sa nararamdaman ko.

Alam kong bawal to,kakabreak lang nila tapos ganito na mararamdaman ko. Parang ang landi ko naman tignan. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay ang iwasan siya. Lalo na kung yun ang ikatatahimik ng buhay ko at niya.

"Ah sorry hinihintay kasi ako ni Ina. E baka matagalan tayo kaya nauna na ako."

Please gumana ka,sana rin makisama sa akin tong babaeng to.

"Hu---"

kinurot ko siya sa tagiliran para manahimik. Psh ano ba yan? Mukhang mabubuking pa yata ako.

"Awwww! Para saan yun?"

Sabi niya habang hawak yung parte kung saan ko siya kinurot.

"Sorry"

Yun na lang ang sinabi ko. Iiwasan ko na nga siya,magsisinungaling pa ako,ganun ba ako kasama para isipin ang sarili ko?

Pwede bang siguro kasi ayoko na kasi masaktan ulit tulad ng nangyari dati?

Ayoko na lagi nila akong pinag uusapan?

Gumanda na ako ah,ano pa ba ang kulang?

Siguro nga tama,hindi mo kailangan magpaganda para magustuhan ka, kasi kahit ano pa man ang makita nila,marinig nila yun pa din ang paniniwalaan nila.

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon