CHAPTER 28
Yanna's Point Of View
Pumunta kami sa cafeteria,andun na rin sina Ina at ang dalawa. Asan si Paul? Hinanap ng mata ko si Paul pero hindi ko siya nakita sa kung saan.
"Drei si Paul?"
Aish shunga Yanna magkasama kayi tapos tatanungin mo siya. Di talaga ako nag iisip.
"Ewan ko,mahal mo nga. Punta na ako dun ah."
Tumatawa niyang sabi habang naglalakad papunta kela kuya. Alam kong hindi madali sa kanya ang lahat. Alam kong nasasaktan siya,kahit hindi niya man sabihin mahahalata mo ito sa mga mata niya. Kahit ilang tawa pa ang ipakita niya,lalabas at lalabas pa rin ang totoong emosyon.
Bumili na ako ng sandwich at water. Gustuhin ko man bumili ng junk food pero bawal ako sa mga iyon. Baka imbes na mabuhay pa ako sa mundong ito ay lumala pa ang kalagayan ko dahil sa pagkain na gusto kong tikman.
Hindi na ako pumunta sa table nila parang mas gusto ko maglakad lakad at ikutin ang buong campus. Kasi malay natin ito na ang last. Kanina pa ako nag dadrama sa harap ni ma'am at ngayon mag isa ako.
Habang naglalakad ako nakarinig ako ng ingay mula sa dulong room. Paranf nag aaway.
"Bitawan moko!"
Rinig ko sabi nung babae. Sa sobrang curious ko pumunta ako dun. Kahit alam ko na may possibility na madamay ako sa away nila.
"Ano ba Paul!"
Napatigil ako sa pagpasok ng makita ko sina Paul at Trixie. Nagtago ako sa mga dinding para hindi nila ako mapansin. Anong ginagawa nila dito? Dito talaga sa mismong walang tao. Are they planning to do something?
"Layuan mo siya."
Narinig kong sabi ni Paul kay Trixie.
"Siya? Sinong siya? Wala akong ginagawa Paul!"
"Si Yanna,leave her alone."
Ako? Bakit ako nadamay sa problema nila? Wala naman ako ginagawa,tahimik lang ako.
"Why would I do that if she is the reason to our break up?"
Ako ang dahilan? Wala akong ginawa. Siya tong bigla biglang sumusugod sakin. Ni hindi ko nga inutusan si Paul na makipag hiwalay sa kanya.
"Wala siyang kasalanan dito Trixie!"
"Wala nga ba?"
Wala naman talaga. Pektusan ko tong babaeng to e.
"Just leave her alone."
Bakit ba concern na concern sakin si Paul? Mukha ba akong may sakit. Well,wala nga ba? So it means alam niya or sadyang protective lang siya.
"In one condition babe."
"What is it?"
Mas dumikit pa ako sa dingding para marinig lahat.
"Bumalik ka sakin."
![](https://img.wattpad.com/cover/96674308-288-k961765.jpg)
BINABASA MO ANG
The Nerd
Teen FictionShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...