CHAPTER 42
Paul's Point Of View
Pakiramdam ko magkakasakit ako sa puso ngayon. Sobrang sakit,sobrang sakit na ipamigay ka ng taong mahal mo. Pero mas masakit pala nung nakita ko siyang kayakap ni Drei.
Hindi ko alam pero nagsimula lahat nung nag prom night kami. Akala ko magiging okay ang lahat,akala ko matatanggap niya ang pagmamahal ko. Pero baliktad,hindi ko siya maintindihan. Iba yung lumalabas sa bibig niya,at iba ang sinasabi ng mga mata niya. Hindi ko alam kung ano paniniwalaan ko.
Pagtapos nun bigla siyang tumakbo,hinabol ko siya. Pero ang hirap palang abutin yung taong ayaw sayo. Yung taong ayaw ka makasama. Pero ako to si tanga,hinabol pa rin siya kahit alam kong imposible na maabutan ko siya.
That time nasuntok din ako ni Jerome,wala rin akong alam kung bakit. Basta galit na galit siya sa akin at sinasabi niyang pag may nangyaring masama kay Yanna,hindi niya ako mapapatawad. Anggulo,para silang may sekreto na ayaw ibunyag,pero hindi ako yung taong pipilitin sila.
Nung nasa hospital kami,akala ko lahat ng sinabi niya ay biro lang. Akala ko may pag asa pa rin ako,kasi baka nabigla lang siya. O kaya baka kailangan niya lang ng oras para makapag isip. Pero mali pala lahat ng akala ko,kasi yun pala ang gusto niyang desisyon.
"Bakit mo ginawa yun?"
Nakakunot na tanong ni Trixie. Parang gusto kong ibalik ang oras,sana hindi ko nalang ginawa sa kanya yun. Ayokong umasa nanaman siya ng sa wala. Pero dahil sa halik na yun may narealize din ako.
Wala na siyang epekto sa akin,hindi katulad dati. Parang ngayon gusto ko nalang na yung labi nalang ni Yanna ang dadampi sa labi ko. Siya nalang talaga ang laman ng utak at puso ko kahit anong mangyari.
"Paul? Bakit mo ginawa yun? Dahil andyan si Yanna?"
"Wala yun,tara na."
"Gago ka ba ha? Paul anong iisipin ng ibang tao kung nakita nila tayong naghahalikan,wala lang? Ganun lang yun?"
"Wag mo nalang bigyan ng reason kung bakit. Basta hinalikan kita yun na yun."
At sa pangalawang pagkakataon sinampal niya ako. Masakit pero mas masakit ang mga nanyari ngayon.
Gago na ako kung gago,pero masama bang magmahal? Masama bang hangarin na sana mahal din ako ng taong mahal ko. Na sana mali lahat ng narinig at nakita ko.
"Wag mo akong gawing gamot sa tuwing nasasaktan ka. Tao ako,hindi porke't mahal kita ay gaganituhin mo na ako."
She's right,akala ko kasi nung una pag nakasama ko siya babalik yung dating kami. Magiging masaya ulit ako at titibok yung puso ko sa kanya. Pero hindi,nagbago na talaga lahat. Kaya yung hiling ni Yanna,gustuhin ko man tuparin pero ayaw ng puso ko.
"Im sorry."
Hinatak ko siya at niyakap nang sa ganun ay mapagaan ko man lang ang kanyang loob.
"Siguro nga oras na para kasiyahan mo naman ang isipin ko."
Tama na siguro muna ako kay Yanna,andito si Trixie oh. Dapat siya lagi ang iniisip ko,parang dati.
"No,Paul gusto ko pag sinabi mo yan totoo."
"Susubukan ko."
"Kahit pa sabihin ko ang sekreto tungkol kay Yanna?"
Tama nga ako,may sekreto siya hindi sinasabi sa akin. Ito ba ang dahilan para iwasan niya ako? Para saktan niya ako ng ganito.
"Anong sekreto?"
"See,masasabi mo pa nga ba yan kung yung taong mahal mo ay nahihirapan? Hindi ako makasarili Paul,kahit mataray ako may awa pa rin ako. Alam ko ang pinagdadaanan ni Yanna at alam kong nahihirapan siya ngayon"
"Bakit? Hindi ba dapat ako ang nahihirapan?"
"Mas nahihirapan siya. Kung sa inaakala mong ikaw ang nasasaktan sa inyong dalawa,nagkakamali ka."
"Ano ang dapat kong malaman?"
"Mamaya after class kitain mo ako sa waiting shed sa labas. Walang tao,tayong dalawa lang. Dun ko lahat sasabihin sayo"
Tsaka siya umalis sa harap ko. Kung ano man yun kailangan ko malaman.
****
Mag uuwian na at tulad ng sabi ni Trixie ay hihintayin muna naming makaalis lahat ng student sa paaralan na ito. At six in the evening,yun ang oras kung saan nakauwi na lahat.
Habang papunta ako sa locker nakasalubong ko si Yanna,pero nagtataka nako. Nagamot ko na ang isa niyang pasa,pero bakit may dalawa pa sa mga braso niya. Hindi naman siya ganun natumba pero bakit ganun? Posible kayang may nangyayari sa kanya?
Nagtext sa akin si Trixie at sinabi niyang andun na siya. Lumabas na ko at nakita siyang nakaupo.
"Ano ang dapat kong malaman?"
Diretsang tanong ko sa kanya.
"Paul mahal kita,pero alam kong hindi ka sa akin sasaya. Paul yung taong mahal mo lumalaban mag isa."
"Lumalaban sa ano?"
"Bago yan,sabihin mo muna sa akin. Bakit mo siya minahal ng higit kaysa sa akin? Isang magandang rason lang Paul."
Bakit nga ba? Magandan naman siya kahit nung nerd palang. Gusto ko yung pananamit niya kasi masyado siyang conservative. Ang simple lang din ng mukha niya at naganda ang kalooban.
"Dahil mahal ko siya bilang siya."
"Kaya mo ba siyang alagaan ng hindi sumusuko?"
"Kakayanin basta para sa kanya."
"Ang swerte ni Yanna,sayo."
Siya nga ba ang swerte? Pakiramdam ko kasi ako,dahil kung wala siya sa buhay ko siguro hanggang ngayon magulo pa rin ang buhay ko. Siguro nasasaktan pa rin ako.
"Paul,kahit anong mangyari tandaan mo na minahal kita. Kahit parang ginawa lang kitang display sa buhay ko."
"Naramdaman ko yun,siguro nga hindi ako ang lalaking nararapat sayo."
"Paul may sakit si Yanna."
Bigla niyang sabi sa akin. Sakit? Yung lagnat?
"Nilalagnat siya?"
"Hindi,may Leukemia siya. Yun ang sekreto na ayaw niyang ibunyag sayo."
Akala ko lagnat lang,pero bakit leukemia? Bakit sa kanya? Bakit sa taong mahal ko?
"P-pero bakit?"
"Kasi ayaw ka niyang madamay sa lahat ng paghihirap, na dapat ay siya lang ang makakaramdam. Ganun ka niya kamahal Paul."
Lahat ginawa niya para protektahan kami. Bakit ganun siya!? Siya na ang nahihirapan pero bakit ibang tao pa rin ang iniisip niya? Kailan ba niya uunahin ang sarili niya?

BINABASA MO ANG
The Nerd
Teen FictionShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...