CHAPTER 35

626 13 2
                                    

CHAPTER 35

Yanna's Point Of View

"Naku sis hindi pwedeng hindi ikaw ang maging Queen of the Night kaya taralets na at mag shopping!"

Andito kami ngayon sa mall at naghahanap ng kung ano ano na isusuot ko. Excited kasi siya dahil sa nalaman niyang niyaya ako ni Paul sa prom na gaganapin mamayang gabi.

"Uhh Ina may susuotin na kasi ako."

Si mommy kasi masyado siyang excited kaya 1 month before prom ay nagpatahi na siya ng gown ko. Hindi ko lang alam yung iba.

"I know,actually mag papasalon tayo. Ano ba nasabi ko kanina?"

ang sinabi niya mag sha shopping tapos biglang salon. Nahawa na yata kay kuya to,napakalala na. And speaking of kuya,nagkaayos na pala sila. Di ko alam kung paano kasi nga diba hinatak ako ni Paul basta pagbalik namin nakahawak na sa braso ni kuya si Ina habang si kuya ay nakangiti. Gusto ko naman magtanong sakanya kaso baka isipin na ang chismosa ko diba.

"Taralets,tara taralets di ka na mabibigo ohh~"

Alam niyo ba na kanina pa yan ganyan kanina pa siya kumakanta ng kung ano ano. Ang mas masaklap pa dun masakit sa tenga kasi wala rin sa tono. Nasapian yata ang kaibigan ko.

"Anong nangyayari sayo?"

Tanong ko sa kanya,habang siya ay pangiti ngiti na naglalakad na parang bata. Seryoso? Naka drugs ba itong kaibigan ko.

"Im so happy for you kasi bes! Sa wakas may chance na kayo ni Paul."

Hindi e,alam kong hindi yun ang dahilan ng mga ngiti niya ngayon. May something na hindi ko maintindihan. May nangyari ba sa room na hindi ko alam? Arghh! Dapat kasi di ako nagpahatak para nalaman ko yung kaganapan na nangyari sa kanila.

That feeling na ako yung kasama ni kuya sa bahay at kaibigan ko yung isa,pero ako pa yung wala alam sa nangyari.

"Seriously? Hindi pwedeng maging kami."

"Sino nagsabing bawal? Halika at tatanggalan natin ng buhok!"

Ako,ako ang nagsabi. Kasi di naman talaga pwede. Di pwede kasi magiging pabigat lang ako sa kanya katulad ka kuya at sa parents ko.

"Basta,hindi pwede"

"Ang kulit,pwede nga! Wala naman tumututol."

Si trixie at yung sakit ko.

"Tara na."

Habang patagal ng patagal,pasakit ng pasakit ang nararamdaman ko. Parang nahihirapan na ako pero kailangan kayanin. Kasi ayaw ko sumuko para kay kuya at sa parents ko na tuloy pa rin ang laban. Tuloy pa rin kahit ang sakit sakit.

For me mas maswerte pa rin ang mga taong nasasaktan,kasi sa kanila pwede pa sila magmahal ulit e. Pwede pa sila makatagpo ng taong mas better sa ex nila. Hindi yung inaaksaya nila ang mga luha nila sa walang kwenta at bwiset na ex chuchu nila.

Kaysa sa amin may mga sakit. Well yeah there is a possibility na gumaling kami. Pero wala yun kasiguraduhan,kasi anytime malay natin kukunin nako. Yung tipong right person at the wrong time.

"Homaygash sis you're here na. You're so tagal. Come here,lets make ayos ayos na to your feslak."

Pwede naman magtagalog nalang pinahirapan niya pa sarili niya.

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon