CHAPTER 19

860 22 0
                                    

CHAPTER 19

Ina's Point Of View

"Bes"

Tawag ko sa kanya bago siya makaalis pero parang wala siyang narinig e. Nakaka t*ngina naman kasi tong lalaking to,pagkatapos niya iwan,babalik balik. P*ta!

"G*go ka!"

Sugod ni Paul kay Brix. Pinagsusuntok niya ito,hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Basta kahit anong gawin niya okay lang,hindi ko siya pipigilan.

"Nice show"

sabi ko habang nanonood sa kanila ng naka cross arms. Wala akong karapatan para pigilan siya lalo na kung para sa kaibigan ko naman yung ginagawa niya.

"Hoy pare! Wag kang makialam dito. Relasyon namin to"

Wag makialam? Bakit naman hindi, e buhay din to ng kaibigan namin.

"Wala ka ring karapatan para paiyakin siya"

Nice one Paul. Lalong gumwapo yung mukha ni Brix ah. Bagay yung nilagay mong pula sa mukha niya.

"Hoy tigilan niyo nga yan!"

Awat ni Trixie,oh not so fast.

"Hoy ikaw babae hindi mo ba ako tutulungan sa pag aawat sa kanila"

He deserve that! Kung tutuusin nga kulang pa yan sa sakit na nararamdaman ni Yanna

"Bakit ko naman gagawin? E ang ganda nga ng show e. Tsaka kasalanan niya yan"

"Argh! Paul tumigil ka na nga!"

Sabi niya sabay tulak kay Paul.

"Ano mas pinipili mo pa yung babaeng yun kaysa sa kapatid ng girlfriend mo huh?"

"Oo,kasi this time siya na ang may mali. Anong gusto mo kampihan ko kung sino yung mali dahil lang girlfriend kita"

Tsk!

"Nakakainis ka talaga. Kung ikaw papipiliin,sinong pipiliin mo siya o ako na girlfriend mo?"

"Gusto mo ng totoo. Siya,siya ang pinipili ko. Bakit? Kasi nung time na wala ka sa tabi ko,yung time na kailangan kita, andyan ka ba? Wala ka,siya lahat ang gumawa ng dapat ay ikaw. Siya ang gumawa ng responsibilidad na dapat ikaw. At siya ang nagbibigay sa akin ng kalakasan na dapat ikaw"

Seriously? Ganun na ba sila ka close ni Yanna. Parang kahapon lang nag aaway pa sila ah.

"P-paul"

Lumapit siTrixie kay Paul at hinawakan ito sa braso.

"Lets break up"

Yun yung huli niyang sinabi bago niya tuluyang nilisan ang cafeteria.

*

Paul's Point Of View

Alam kong tama yung naging desisyon ko at wala akong pinagsisisihan sa mga yun. Nasaktan siya? Pero mas nasaktan ako,kasi mas pinili niya yung mga kaibigan niya na samahan kaysa sa akin. Nawalan na siya ng time sa akin.

Ang kailangan ko lang problemahin ngayon, kung nasaaan si Yanna? Alam kong kailangan niya ng kausap,kaya andito lang ako para pakinggan kung ano man iyon.

Naglalakad ako sa may garden ng may narinig akong umiiyak.

Pumunta ako sa direksyon kung saan ko naririnig yung iyak na nagmula sa isang babae na nakatalikod. Isang babae na kailangan ako ngayon,isang babae na sobrang nasaktan,isang babae na kanina ko pa hinahanap at si Yanna iyon.

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon