CHAPTER 8

1.1K 33 0
                                    

CHAPTER 8

Yanna's Point Of View

Tatlong araw na ang lumipas simula nang saktan ako nila Tanya. At ngayon ni anino nila hindi ko makita sa kanila. Ano bang nangyari bago ako mahimatay?

"Bes,punta na daw sa mga club"

Thursday ngayon,at ngayon rin kami magrereport sa pinagawa ni Ms. Davis. Sa totoo lang ang ganda nung ginawa niya. Nakakapagtaka nga, kaya niya gumawa ng ganun.

Pero bakit nga pala ako nagtataka?

Running for valedictorian din ang isang yun

"Sige punta na ako,bye see you later"

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasan mailang kasi pinag bubulungan nanaman nila ako. E ano pa nga ba ang bago? Dapat masanay na ako. Pero pag gumanda ba ako magiging okay na ang lahat? Yan lagi ang tinatanong ng utak ko at syempre ako. Kasi feel ko magiging komplikado lang lalo. Feel ko nga artista na ako ngayon.













Nakarating na ako sa room ng creative writing at umupo. Dahil sa malalim ang iniisip ng utak ko hindi ko na napansin na dumating na si Paul at si Ms. Davis.

Pero----

WTH!

Bat sila sabay? Don't tell me may secret affair sila!? Putspa! Ano ba tong pumapasok sa utak ko!

"Okay good morning class,diba may pinapagawa ako sa inyo pwede ko ba marinig yan. Gusto ko sana umpisahan kayla Mr. Tiu at Mr. Tan."

Ano ba yan si ma'am kami agad diba pwede iba muna? Siguro kinausap to ni Paul na paunahin kami. May salktik din yun!

Tumayo na kami ni paul at pumunta sa gitna. Babasahin lang naman namin ito hindi na kailangan ng kung ano ano pa.

Paul/Yanna: Second Chance

Yanna: Second Chance,alam nating lahat na ito ay ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon. Maaari ito makapagpabago sa buhay natin. Pwede ka maging masaya,pwede ka naman maging malungkot at syempre hindi mawawala ang masaktan ka. Tandaan niyo na walang nagmamahal ang hindi nasasaktan. Lahat tayo nasasaktan.

Paul: pero bakit ba tayo nasasaktan? Kasi binibigay natin ito sa maling tao. Sa akala natin siya na,sa akala natin nagbago na siya,at sa akala natin na mahal pa nila tayo. Diba puro akala at walang kasiguraduhan. Masakit ang umasa,kasi naramdaman mo na ikaw lang talaga ang nagmamahal sayo. Ang second chance kasi hindi dapat basta basta ibinibigay,kailangan mo itong pag isipan kasi kung ibibigay mo agad ito may posibilidad na masaktan ka ulit.

Yanna: Pero tandaan niyo na ang second chance ay hindi lang para sa mga taong nagmamahal,pwede din natin ito gawin sa sarili natin.

Napatingin sa akin si Paul. Wala kasi sa script yung sinabi ko. Hindi ko alam basta kusa na lang ito lumabas sa bibig ko.

Yanna: second chance are not given to make things right. But are given to prove that we could be better even after we fall.

Sabi ko at hinawakan sa kamay si Paul,na sign na tapos na kami at nag bow. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase namin dito,pero yung ibang babae masama ang tingin dahil sa paghawak ko sa kamay ni Paul. Geezz nakakatakot yung mga tingin nila parang ano mang oras mamatay na ako

"Thank you Mr. Tiu and Ms. Tan. Maganda ang ginawa niyo."

"Diba kayong dalawa ang running for valedictorian?"

tanong ni ma'am sa amin. Tumango lamg kami bilang sagot.

"Okay. By the way class wala na akong time dahil may susunod pa kayong klase. Alam niyo na bang walang pasok bukas?"

Wala nanamang pasok bukas? Edi wala nanaman akong matututunan. Oh diba bait ko,tularan nyo ko.

"Hindi po"

"Okay wala kayong pasok bukas kasi may meeting kami. Alam niyo na,malapit na kasi ang mr. and ms. campus at mamaya nila yun sasabihin,thank you and goodbye."

Kami naman sari sariling punta sa kanya kanyang classroom. Kasi ang club namin ay second to the last subject,kaya ito na ang last namin.

"Hoy nerd!"

"Problema mo?"

"Ikaw. Saan mo napulot yung mga sinasabi mo kanina,wala nga yun sa script natin e."

Yun lang pala ang liit na bagay kailangan niya pang alamin,di pa ba siya nakuntento na nasabihan kami ng very good. Malamang kasi siguro napulot ko yun sa basurahan.

"Yun lang ba?"

ayoko na muna makipag usap sa kanya,baka lalo lang ako mapahamak. Yung mga tingin ng mga babae sa akin e parang walang bukas. Hays! Bakit ba sila ganyan? Kala mo naman girlfriend.

"Oo."

"Okay"

Sabay talikod ko na sa kanya. Feel ko kasi sa tuwing lumalapit ako sa kanilang apat lagi akong nasasaktan ng mga fans nila. Ako lagi ang target. Parang kinakausap lang naman.

"Hoy babae!"

Na uh huh! Ano bang problema nila? Tumingin lang ako sa kanila at hindi nagsalita. Baka kasi mamaya magsalita ako tapos masaktan nanaman ako. Aba ayoko na 'no.

"Layuan mo si Paul. May girlfriend na siya. Wag mong hintayin na makadating sa kanya yung paglalandi mo sa BOYFRIEND NIYA"

sige diinan mo pa. Nahiya ka pa e,bat di mo pa i lahat. Tsaka kelan ko nilandi si Paul? Parang mas nilalandi pa nga nila. Plastic din tong mga to 'no,sarap itapon sa basurahan.

"Tsaka duh! Ikaw? Magugustuhan ni Paul. Magpapakamatay na muna siguro ako bago mangyari yun"

O talaga gagawin mo yun? Kasi kung oo pwede mo ng gawin ngayon. Gusto ko sabihin yan kaso kakapasok ko pa lang sa clinic kahapon at wala na akong balak bumalik ulit dun.

"Okay."

Alam kong naiinis sila sa ginawa ko kasi tinalikuran ko sila. Pero wala na akong pake doon.

Nasa classroom na kami lahat at ang professor na lang namin ang hinihintay. Tss laging late 20 mins na lang oh uwian na.

Nagkwentuhan na lang kami ni Ina at after 9999999999999 years dumating na din sa wakas

"Good Afternoon class since 20 minutes na lang ay uwian na iaanounce ko na lang kung sino ang kasali sa Mr. and Ms. Campus na gaganapin sa next next week. So kung sino man ang makakasama meron kayong 9 days para maghanda."

Grabe naman yun madalian ba ang gusto nila, makakapag handa ba ng maayos ang mga candidates niyan?

"Okay class kung sino man ang makakasama sa gaganaping event ay magiging exempted sa lahat ng projects,activies at kung ano ano pa. Kasi syempre pagod,tapos mag papractice pa kaya kailangan nilang magpahinga."

"Atsaka class kung sino man ang mapipili ko wala nang magrereklamo. Kasi itong napili ko ay kapansin pansin ang kagandahan niya. Hindi man nakikita ng iba pero para sa amin maganda siya"

Si Tanya lang naman ang pinakamaganda sa section namin kaso maldita. Kung ano ikinaganda ng muka yun ang ikinapanget ng ugali.

"Ang napili ko na Mr. Campus ay si Paul Tiu"

Sino pa ba? Lagi naman siya. Di pa ba kami masasanay? Malamang panalo na tong kumag na ito,daming fans. Baka nga yung mga babae na section imbes na yung representative nila ang i cheer baka ito pang lalaking to.

"And ang napili ko bilang maging Ms. Campus ay si..........

Ms. Yanna Mae Tan"

TO BE CONTINUE

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon