CHAPTER 38

545 11 2
                                    

CHAPTER 38

Yanna's Point Of View

Dumilat ang aking dalawang mata at unang bumungad sa akin ang ilaw na nasa kisame. Ilaw na ang dahilan para ako'y masilaw. Nilibot ko ang paningin ko at tulad ng inaasahan ko nasa hospital nanaman ako. Ano pa na ba inaasahan ko?

Nanatili akong nakahiga sa kama ko dahil pakiramdam ko ang bigat pa rin ng katawan ko. Yung tipong hindi ko siya matayo,at feel ko mag hangover ako dahil sa sakit ng ulo. Napatingin ako sa may pinto ng tumunog ito.

"Yanna."

Tawag sakin ni Trixie na kakapasok lang,at alam ko na sa ngayon ay may alam na siya. Alam kong alam niya na ang kalagayan ko at wala na akong magagawa kundi ang sabihin at magmakaawa para hindi sabihin kay Paul ang lahat ng ito.

"You already know?"

Diretso kong tanong sakanya habang nakatingin sa mga mata niya. Umupo siya sa malapit na sofa at tumingin sakin. May mga bahid na rin ng dugo ang gown niya at magulo na ang buhok. Mukhang kinabahan to kanina.

"Bakit mo tinago?"

"Hindi naman lahat kailangan sabihin."

May mga bagay talaga na kailangan sarilihin na lang para wala ng madamay pa.

"Ito ba ang dahilan kung bakit naghiwalay kayo ni Brix?"

"Yan ba ang sinabi niya?"

"Wala siya sinabi,basta umiyak nalang siya pag uwi niya."

Siya pa may ganang umiyak,ako tong iniwan at nasaktan pero mas nagiging kawawa siya. Baliktad na ang mundo ah.

"Siya ang nangiwan dahil may babae siya."

At tulad ng lahat wala rin siya kaalam alam sa nangyayari sakin.

"I didn't know that."

"Kasi nga tulad ng sinabi ko kanina hindi lahat kailangan malaman."

Sandaling katahimikan ang naramdaman namin ng may pumasok sa isipan ko.

"Did you called kuya?"

Tumango siya sa akin at nilagay ang cellphone ko sa tabi ng kama na hinihigaan ko.

"Bukod kay kuya may sinabihan ka pa?"

"Bakit ayaw mo malaman nila?"

Ngumiti ako sa kanya.

"Oo kasi mas pipiliin kong ako nalang ang masaktan,kaysa makita sila na nahihirapan dahil sakin.

Im not selfish,hindi ko kaya maging masaya at piliin ang lovelife ko.

"Pero kahit anong gawin mo masasaktan at masasaktan mo pa rin sila sa huli."

"Okay na yun,kaysa maging perwisyo pa ako sa kanila. Trixie can I have a favor. "

"Mmm?"

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon