CHAPTER 22
Yanna's Point Of View
Nagising ako na ang kulay puti na kisame ang bumungad sa akin. Tumingin ako sa gilid,at doon ko nakita ang kuya ko at ang parents ko na nakaupo sa sofa.
"Baby you're awake. Kamusta pakiramdam mo?"
Napatingin ako kay mommy na namumula ang mata. Umiyak nanaman siya at ako ang dahilan. Hinimas ko ang mukha ni mommy at hinawakan niya yung kamay ko. This time may panibagong luha nanaman ang tumulo sa mga mata nya. Agad ko itong pinunasan at tumingin kay daddy.
"Are you okay?"
Tulad ni mommy halata sa mukha nito ang pag aalala sa akin. Nginitian ko sila as a sign na okay ako.
"Im fine dad"
"Are you sure wala bang masakit sayo?"
Nasanay na rin naman ako na pabalik balik ako dito. Nasanay na ako na ganito ang sitwasyon.
"Dad,Im always fine."
"Bibili lang kami ng pagkain nyo."
Lumabas sila at tumingin ako kay kuya na nakabusangot ang mukha.
"Papanget ka niyan."
Pero imbes na tumawa mas lalo pa siyang bumusangot.
"Come on kuya,Im still alive!"
Tinawanan ko lang siya at tinapik ang gilid ng kama ko. Umupo siya dito at niyakap ko siya.
"Thank you kuya."
Hinaplos niya ang buhok ko.
"Pinag alala mo si kuya."
"Sorry kuya kung ganito ako."
Sorry kung lagi ko kayong napag aalala. Sana kasi hindi nalang sa akin napunta ang ganitong sakit. Sana normal lang ako na kabataan tulad nila.
"Bukas hindi ka papasok ah,pahinga ka muna."
Tumango ako sakanya at ngumiti. Ang swerte ko sa family ko.
"Kuya wag mo muna sabihin sa kanila ah."
"Pero karapatan nila malaman ang totoo."
Karapatan nga nila malaman,pero ayaw ko naman na mahirapan sila once na mawala na ako.
"Kuya wag na muna."
"Sige sa ngayon matulog kana muna."
Hinaplos neto ang buhok ko at pumikit na ako para magpahinga.
****
Jerome's Point Of View
"Dad,hanggang kelan siya magiging ganito?"
Tumingin ako kay Yanna na mahimbing na natutulog. Naaawa ako sa kapatid ko ang putla ng mukha niya ngayon,at namamayat na rin siya. Kumbaga ang tamlay na ng mukha niya. Nawala ang dating sigla. Palala siya ng palala.
"Hindi ko alam Rome,basta ikaw ang magbantay sa kanya ah. Di pa ako ready na mawala siya."
Tumulo ang luha ni daddy habang nakatingin kay Yanna. Hinawakan ko ito sa likod at hinaplos. Mahirap para sa amin na nahihirapan ang baby ng bahay namin. Nahihirapan din kami sa tuwing nasasaktan siya. And at the same time masakit para samin na parang nagiging bahay niya na ang hospital.
"Dad she will never leave us. Matapang si Yanna,I know her. Hindi siya susuko agad agad."
"Sana nga,masyado pa siyang bata para mapunta sa ganun. Madami pa akong pangarap sa kanya."
Di ko maiwasan ang lumuha sa tuwing iniisip ko na mawawala siya sa amin. Na anumang oras ay may posibilidad na iwan niya kami.
She will never leave us,I know it. Lalaban siya hanggang kaya niya. Di ako bibitaw para sa kanya,I will stay no matter what happen.
Tulad ni daddy hindi ko rin kaya na mawala siya. Kahit loko loko ako mahal ko pa rin ito.
***
Pumasok na ako sa school habang si Yanna naman ay nasa hospital pa rin. Mamaya ay iuuwi na siya.
"Kamusta si Yanna?"
Netong mga nakaraang araw napapansin ko na nagiging concern na rin siya kay Yanna. Pero parang dati pa naman pala. Minsan nakikita ko yan na sumusulyap kay Yanna. Minsan naman nakita ko na sinapak niya yung nang aasar kay Yanna. May di rin inaamin tong si Paul.
"Okay na siya pero pinagpahinga ni dad."
Tumango na lang sila sa sinabi ko. Nakita ko naman si Drei na parang may gustong itanong pero di niya maibuka ang bibig niya.
"Guys may favor sana ako,gusto ko sana na ingatan niyo si Yanna. Make her happy please."
Gusto kong masilayan na maging masaya si Yanna. Gusto ko makagawa ng paraan para maibalik ang dating sigla at kasiyahan niya.
"Pero bakit?"
"Bakit? Ayaw mo ba?"
Ito ring si Drei,napaka torpe. Ayaw oa umamin kay Yanna. Halata naman e.
"May problema ba kay Yanna?"
Gusto ko sabihin ang kalagayan ni Yanna pero ayaw niya na kaawaan siya ng mga ito. Ayaw niya na maging malungkot ang mga ito.
"Wala."
"Wala nga ba talaga?"
Si paul yung tipong observant. Alam kong anumang oras mahahalata niya ang kalagayan ni Yanna. Pero alam ko naman na may balak sabihin sa kanila ni Yanna ang about dun. Siguro hindi pa lang siya handa ngayon.
"Where is my best friend?"
Tanong ni Ina pagpasok namin sa room. Nakita ko sina Trixie at Brix sa loob kaya napatingin ako ng masama sa mga ito.
Isa pa itong si Brix,siya ang may kasalanan ng lahat. Kung bakit pa kasi siya bumalik. Naalala ko nun,umuwi siyang luhaan ng dahil sa lalaking ito. Niloko daw siya,pinagtripan. At sa mismong araw na rin yun muntikan ng mawala sa amin si Yanna. Kaya kahit anong mangyari,hinding hindi ko siya ipapaubaya ulit sa lalaking ito.
"Hi Paul "
Hindi siya pinansin ni Paul at dumiretso lang sa upuan neto. Alam kong magkaaway tong dalawang to pero bakit kailangan pa niya idamay si Yanna?
Magkapatid talaga sila ni Brix,pakiramdam ko kapag malapit si Yanna sa dalawang to laging napapahamak siya.
"Umalis ka sa dinadaanan ko."
Alam kong takot siya sa akin ngayon,pero may posibilidad pa rin na balikan siya neto.
Umalis ito sa harapan ko at umupo na ako sa upuan ko.
Basta whatever happen,ako pa din ang kuya niya. Aalagaan ko siya,hindi ako dapat mawala sa tabi niya. Gagawin ko lahat maingatan lang siya.
***
BINABASA MO ANG
The Nerd
Ficção AdolescenteShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...