CHAPTER 27
Yanna's Point Of View
Kasalukuyan kaming nag p-pe ngayon at syempre ang gagawin namin ay takbo takbo. Ewan ko ba sa teacher namin,basta trip niya lang daw na ganito ang gawin namin.
Sa ngayon nakaka 5 ikot nako at masasabi kong sobrang nakakapagod. Parang hinihingal na ako,napaupo na ako dahil parang di nanaman kumikilos ang katawan ko.
"Yanna are you okay?"
Inalalayan naman ako ni kuya at pinaupo sa mga bench na malapit sa amin.
"Okay lang ako kuya."
Nginitian ko siya kasi bakas nanaman sa mukha neto ang pag aalala. Ayoko ng nagkakaganito siya. Kaya ayaw kong sabihin na may sakit ako dahil isa sa mga dahilan ang pinapakitang pag aalala ni kuya. Ayoko na ituon nila ang pansin sa akin. Ayoko na kaawaan nila ako.
"Are you sure? Wala bang masakit sayo?"
Habang kinakapa ni kuya ang binti ko. Napatingin sa amin si ma'am at tumango sa akin. Alam ni ma'am ang kalagayan ko kaya ganito sya. Pero sa pagsabi ko sa kanya nun ay ang paghingi ko rin ng favor na sana ay samin sami lang to. Pero dahil teacher si ma'am alam kong mapagkakatiwalaan siya.
"Kuya,bumalik kana sa pagtakbo. Tatawagin kita pag may nangyaring masama."
Napadako ang tingin ko kay ma'am na palalapit sa amin.
"Ako ang bahala sa kanya Mr. Tiu"
Tumabi sa akin si ma'am at nginitian ako. Bumalik na si kuya sa pagtakbo at sumabay kela Ina. Alam kong masyado pang maaga sa ganito pero sana sa kasalukuyan maging sila. Boto ako kay Ina kasi saksi ako sa paghihirap na ginawa niya kay kuya. At alam kong sasaya si kuya kay Ina. Kung hindi ko naman masaksihan ang pagmamahalan nila atleast natupad ang pangarap ko.
"Wag mong pangunahan ang tadhana,Yanna."
Tumingin ako kay ma'am na hanggang ngayon ay pinapanood ang mga kaklase ko na tumatakbo.
"Ma'am?"
"Alam ko yang iniisip mo,hindi kapa mamatay ah. May oras dyan pero alam kong hindi pa ngayon."
Hindi nga ngayon pero mangyayari din mas gusto ko na ang handa kaysa sa hindi. Pano ko ba sila iiwan ng hindi masasaktan.
"Not now but soon,ma'am."
"Alam kong matatag ka Yanna,ilang beses ka ng sinaktan nila Tanya pero tumatayo pa rin. Ilang beses ka ng nabubully pero hindi ka nagpapaapekto. Ilang beses ka pinagtripan pero nanatili ka pa ring buhay. Kung tutuusin wala yang sakit mo sa lahat ng pinagdaanan mo sa buhay."
Ibang iba to kasi dun nasasaktan lang ako,nahihirapan. Pero ito ngayon,maaari ko pang ikamatay. Life is short,gusto kong gawinang bagay na dapat ay gagawin ko. Gusto ko umamin na mahal ko siya. Pero wala rin sense lahat ng yan kung sa huli ay masasaktan ko lang siya. Kailangan ko idistance ang sarili ko sa kanila.
"Magpapakatatag ka para sa mga taong nagmamahal sayo. Alam kong kaya mo yan."
Sabi niya bago pumito para patigilin ang lahat sa pagtakbo.

BINABASA MO ANG
The Nerd
Novela JuvenilShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...