CHAPTER 20
(Flashback pa rin po ito)
"Brix kung ikaw papipiliin ako o siya?"
Alam kong masakit ang magiging desisyon niya pero kailangan kong tanggapin.
"Yanna Im sorry"
Sorry? Magagawa ba ng sorry alisin ang nararamdaman ko ngayon? Mabubura ba nito yung sakit na binigay mo sa akin?
"Sino?"
"Yanna mahal kita,minahal kita pero mas mahal ko siya."
Bakit ko pa ba tinanong? E halata naman dahil nagtagal nga sila diba kesa sa amin.
"Kailan pa?"
"Nung nililigawan kita Yanna,kami na nung mga oras na yun. Gusto kong itigil yung panliligaw ko kaso hindi pa tapos yung deal namin ng barkada."
Deal? So all this time hindi totoo yung pinakita niya sa aking pagmamahal. Ang galing niya namang umarte paniwalang paniwala ako.
"At kung sino ang pipiliin ko. Pasensya na Yanna pero siya ang pipiliin ko."
pumikit na lang ako habang patuloy ang pag agos ng luha. Alam kong pinagtitinginan na kami dito pero wala akong pake sa kanila. Chismosa't chismoso sila e.
Basta ang alam ko lang pagdilat ko nakahiga na sa sahig si Brix
"H*ayup ka Brix. Niloko mo kaibigan ko. Sinayang mo pagmamahal niya sayo. Pinagpustahan niyo siya"
sabi ni Ina sabay suntok.
"Bes tama na yan. Nagdesisyon na siya. Tanggapin na lang natin."
Sabay hawak kay Ina. Wala nanaman siyang magagawa,nasaktan na ako e.
"Anong tama na yan? Bes pinagpustahan ka.""Minahal kita Brix alam mo yan. Halos lahat na ng oras ko binigay ko na sayo. Pero bakit ganito ang pinalit mo sa akin? Nagkamali ba ako? Nagkulang ba ako? Sana sinabi mo na lang hindi yung sinsaktan mo ako ng ganito. Alam mo kung gaano ako nasaktan kasi ikaw pa lang ang lalaki na pinapasok ko sa buhay ko,pero parang nagkamali ako na pinapasok kita. Kasi lahat pala ng pinakita mo sa akin ay hindi totoo."
"No,I love you. Every single day na kasama kita,minahal kita. Pero hindi lang sa pagmamahal ko tulad ng kanya"
"Ganun na rin yun. Bat mo kami pinagsabay? "
"Natakot ako Yanna,natakot ako na makipaghiwalay ka."
Takot siya,pero siya mismo ang gumawa ng dahilan para iwan ko siya.
"Break na tayo"
bulong ko sabay talikod sa kanila at umalis palayo. Alam kong nakasunod lang sa akin si Ina pero hindi ko siya pinansin.
Mahal ko si Brix at hindi ko siya kayang isuko kaso masakit din kung patuloy mo siyang ilalaban,lalo na kung may iba naman siyang pinaglalaban.
"Bes okay ka lang?"
"Bes uuwi na ako mag isa. Kita na lang tayo sa ibang araw."
Sabi ko at sumakay sa kotse ko. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Kasi habang nasa biyahe ako tahimik lang akong umiiyak.
Umuwi akong wasak. Dumiretso ako sa kwarto at doon nagmukmok.
"Mahal kita Brix pero bakit mo ako ginanito? Ikaw ang kauna unahang lalaki na pinapasok ko sa buhay ko pero bakit mo ako niloko,pinagtripan? Ganun na ba ako kapanget?
Ngayon ko na lang sasabihin ito at kahit kailan hindi na I Love you Brix and Goodbye."End of Flashback
Hindi ko napansin na habang nagkukwento ako ay may luha ng bumagsak.
"Diba masakit kapag iniwan ka? Diba masakit kapag niloko ka? Diba masakit kapag pinaglaruan ka? Diba masakit kapag pinaniwala ka niya na mahal ka niya. Kahit na may mahal pala siyang iba. Kasi ako sobrang nasaktan ako nun Paul e. Mahal na mahal ko siya e. Sobrang tagal ko maka move on. Pero bakit ganun? Dumating lang siya nawala na. Tell me panget ba ako? May mali ba sa akin?"
"Alam mo Yanna maganda ka,sa kalooban man o sa itsura. Hindi ikaw ang may mali sadyang di lang siya nakuntento sayo."
"Maganda ako? Pero bakit iniiwan pa din ako? Ano pa ba ang kailangan kong baguhin sa sarili ko para di na ako iwan ng isang tao?"
tanong ko sa kanya.
"Alam mo hindi mo kailangan maging maganda. Maging totoo ka lang sa sarili mo okay na. Hindi mo kailangan na tanggapin ka ng mga tao kasi andito kami. Andito kaming mga kaibigan mo para sayo. Andito kaming mga kaibigan mo na kaya kang tanggapin ano man ang itsura mo."
Hindi ko maiwasan mapangiti sa mga sinabi niya. Tama siya kailangan ko lang maging totoo sa sarili ko.
"Salamat. Salamat kasi andito ka para pagaanin ang loob ko. Salamat kasi dinamayan mo ako. Salamt kasi pinakinggan mo ako at salamat dahil hindi ka nawala sa tabi ko."
sabi ko sa kanya sabay yakap. Kung may pasasalamatan man ako ng sobra ang Panginoon yun. Kasi binigay niya ako ng ganitong kaibigan na handa ka damayan sa panahon na kailangan mo siya. Isang totoong kaibigan.
"Tandaan mo lang ito. If you're alone,I'll be here. If you want to cry,I'll be your shoulder. If you want a hug,I'll hug you. If you need to be happy,I'll be your clown."
"Masyadon kang precious para saktan. Para kang isang dyamante na dapat pag ingatan at sayangin."
Pero kahit ilang beses ingatan ito,masasaktan at masasaktan ka pa rin.
"Hindi naman ako yun."
Im too weak,takot akong ipaglaban ang sarili ko. And now that I realized na dapat tumayo ako sa sarili kong paa,gagawin ko na ang dapat na noon ko pa ginawa.
"Para sa akin isa kang diamond. Ang hirap mong kunin kasi maraming gustong kumuha sayo"
"What do you mean?"
Umiling lang sya at ngumiti sa akin. Ngiti na magpapahulog sayo sa kagwapuhan niya.
**
BINABASA MO ANG
The Nerd
JugendliteraturShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...