CHAPTER 21

831 27 1
                                    

CHAPTER 21

Yanna's Point Of View

Andito na ako ngayon sa school at hinihintay si Ina,sabi niya kasi sabay na kami pumasok at hintayin ko na lang siya sa cafeteria.

Habang naghihintay ako may nakita akong tao na nakatayo sa tapat ng desk na inuupuan ko.
Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Trixie na ang sama ng tingin sa akin.

"H-hello"

Nagulat naman ako ng hatakin niya ang buhok ko. Ugh! Ano nanaman ang ginawa ko sa babaeng to?

"A-ano ba?"

May mali ba akong ginawa ko kahapon? Sa pagkakatanda ko wala,ni hindi nga ako nakapasok dahil ayaw ko makita si Brix tapos magagalit siya.

"Buwisit kang babae ka! Inagaw mo sa akin si Paul!"

Sigaw niya sa akin habang yung mga kamay niya ay nasa buhok ko pa din. Atsaka ano daw? Ako? Inagaw ko si Paul? Sila pa nga e.

"Ako? Inagaw ko? Kailan?"

"Oo inagaw mo siya sa akin. Nagbreak kami ng dahil sayo! Iniwan niya ako ng dahil sayo! Wag ka na nga mag maang maangan!"

Fuck! Ang sakit na ng buhok ko. Inabot ko yung buhok niya pero di ko maabot,masyado siyang malakas. Bakit ba laging buhok ko ang puntirya nila.

"Dumating ka lang sa buhay namin naging magulo na. Bakit hindi ka pa namatay? Eto ba ang Ms Campus niyo malandi. Lahat ng campus Prince nilalandi nakakahiya ka"

Napatingin naman ako sa paligid at nakita ko sina Tanya na nakasmirk at ang mga tao na nagbubulungan.

'Ayy! Kala ko ba naman mabait siya,yun pala malandi.'

'Kaya nga pati mga campus Prince nilalandi'

'Kaya pala nagbreak sina Trixie at Paul dahil sa kanya. Hay naku! Ang landi ni girl'

Yan lang naman ang sinasabi nila. Masakit sa akin yun,lalo na nung sabihin nilang malandi ako na wala naman silang katibayan para mapatunayan ang mga iyo.

"See. Buwisit ka talaga sana mamatay kana!"

Ang sakit. Ang sakit ng dibdib ko. Nahihirapan akong huminga.

"T-tri-Trixie please itigil mo na to"l

"Fuck! Trixie let her go."

Nakita ko si Paul na papalapit dito at tinanggal ang kamay Trixie na nasa buhok ko.

"P-paul hindi iyan tulad ng iniisip mo."

"Nakita ko lahat Trixie."

Tinulungan niya ako umupi at inayo ang buhok ko na halos magbuhol buhol dahil sa pananabunot niya.

"What? I'm your girlfriend Paul,di mo ba ako tutulungan?"

Wala naman siyang damage,di naman siya nasaktan.

"Ex girlfriend."

Napatingin naman sakin si Paul pero nagulat ako ng hatakin ulit ako ni Trixie sa mismong harap ni Paul.

"Trixie tigilan mo yan!"

Rinig kong sigaw ni Brix,yes it's him. Ang taong ayaw ko na makita.

"Fuck kuya just shut up!"

Malakas na tinanggal ni Paul ang kamay ni Trixie kaya muntikan na ito matumba. Buti nalang at nandun si Brix.

"What the fuck dude!"

Tinayo ni Brix si Trixie at sumugod kay Paul. Argh! Bakit ba kailangan mangyari lahat ng ito. Kaya nagkaroon ng pagkakataon si Trixie na sabunutan ako ulit.

"Ikaw lahat may kasalanan nito!"

Nanghihina na ako di nako makakilos ng maayos.

"This is all your fault! Malandi"

Hindi ko maigalaw ng maayos ang kamay ko.

"Dont you ever do that to my sister."

Nakita ko na pinigilan nila si Paul at Brix habang si kuya ay nilayo sakin si Trixie.

"Malandi siya!"

Nag iingay pa rin si Trixie ng kung ano ano habang sila Paul naman ay nakatingin lang ng masama dito.

"Kayong mga nanonood,wala man ni isa na pumigil sa kanila?"

Napayuko ang iba sa mga ito.

Hindi ko na kaya umusog ako ng unti at umupo ako sa isang tabi sa sahig at nanginginig. Hindi ko maigalaw ng maayos ang katawan ko. Parang may hindi tama. Naramdaman ko naman na may tumutulo kaya pinunasan ko ang mukha ko. Pagtingin ko sa palad ko may dugo ito. Napahawak ako sa ilong ko at sobrang dami ng lumalabas. Tuloy tulog siya hanggang sa malasahan ko na sa mga labi ko.

No it can't be,bakit ngayon pa?

"K-kuya"

Tawag ko dito habang pilit na pinapatigil ang dugo sa ilong ko. No,not now please. Wag muna ngayon sa harap nila.

"Fuck!"

Lumapit sa akin si kuya at binuhat ako pero bago pa kami makalabas humarap muna siya kela Trixie.

"Pag may masamang nangyari sa kapatid ko,magtago na kayo."

Dumiretso na kami palabas at sinakay niya ako si kotse niya. Nakita ko naman na sumunod sa amin sila Paul.

"Sasama kami."

"No!"

Hindi pwede,hindi nila pwedeng malaman ang tungkol dito. Nakita ko naman si Ina na patakbong pumupunta dito.

"B-bes oh no! What happened to your nose."

Turo niya sa ilong ko. Dumudugo pa pala,kinuha ko ang panyo at pinunasan ito. Pero tuloy tuloy pa rin siya. Napabitaw ako sa panyo ko at nanginig na ang kamay ko. Sinubukan kong pulutin ito pero di ko makaya.

"K-kuya"

Umiiyak na tawag ko kay kuya. Lumapit siya sa akin at nakita ko na namumula na ang mata niya.

"Shit! Wag kang kikilos. We have to go."

Nakita ko na tumulo ang luha ni kuya na sumakay sa kotse.

"Just hold on."

Pumunta kami sa hospital at agad akong inasikaso ng mga doctor.

***

Paul Point Of View

Tinanaw lang namin ang kotse Jerome na papalayo sa amin

"Anong nangyari kay Yanna?"

Naguguluhan na tanong ni Ina sa amin.

"Kanina dumugo ang ilong niya habang nakaupo siya dun."

Oo nung oras na inilayo na ni Jerome si Trixie kay Yanna.

"Tapos kanina nanginginig siya. Hindi niya maabot ang panyo niya kasi hindi niya maigalaw ng maayos ang kamay niya. Is she okay?"

Naguguluhan pa rin ako. Bakit siya nag ka ganun,sinabutan siya ni Trixie. Pero di siya umuntog sa kahit anong lamesa.

"Please tell me guys na okay siya."

Sa ngayon hindi ko masasabi na okay siya,parang may mali e. Lalo na sa kinikilos ni Jerome.

"May hindi sila sinasabi sa atin."

Napatingin lahat sa akin.

"Ano yun?"

"I dont know but I hope that she is okay."

"Sana nga."

***

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon