CHAPTER 31

604 13 2
                                    

CHAPTER 31

Jerome's Point Of View

"Anong sinabi mo?"

Tanong sa akin ni Paul na ngayon ay nakatingin sa akin. Parang baliktad ang nangyayari ang dapat na nagrereact ay si Drei pero bakit siya? Umikot na ba ang mundo.

"Si Yanna nilalagnat."

Pero alam ko na isa rin yun sa mga sintomas ng sakit niya. At alam kong hindi manhid si Paul para malaman na may sakit si Yanna. Talino ba naman. Nung nagpasabog ata ng katalinuhan ang Diyos tulog ako,sayang! Di kasi ako ginising ni mommy.

"Sino nagbabantay?"

May mali,si Drei talaga dapat ang nagtatanong ng ganyan. Bumaliktad na ang mundo.

"Wala,alam mo naman yun diba. Ayaw na may nadidisturbo siya."

Tumango lang ito at nagsimula ring kumain. Ganito kami minsan,mas pipiliing mag almusal sama sama para may vibes. Sa apat na ito si Paul ang pinaka close ko. Siya yung taong lagi kong nahihingan ng payo. If I have to choose between Drei and Paul. I'd rather choose Paul. Kasi alam ko na mas aalagaan siya neto.

Nagring na ang bell,hudyat na mag sa start na ang klase. Sabay sabay na kami sana pupunta sa room ng makita ko si Ina.

"Ina!"

Napatingin naman siya sa akin at doon ko na nakita ang ngiti niya. Yung ngiti na pwede ng malaglag ang brief ko.

"Hi,si Yanna?"

Ouch! Alam niyo yung feeling na ako yung nasa harap pero iba ang hinahanap,ang sakit lang!

"Di papasok,may sakit."

Lumapit na ako sa kanya at sabay kaming naglakad. Hindi ko na alam kung nasaan ang tatlo basta ang alam ko lang huminto ang oras,huminto ang lahat. Yung kami lang ang nandito nag uusap at parang wala kaming nakakasalubong kundi kaming dalawa lang.

Nakakabakla pala ang mainlove. Yung gagawin mo ang lahat para sa babaeng yun. Yung magsasalita ka ng mga cheesy lines na corny para lang pakiligin siya. At yung gagawin mo ang mga bagay na ayaw mong gawin para lang sa kanya.

"Sino kasama niya dun?"

Umiling ako habang nakatingin sa kanya. Para siyang glue,kasi sa tuwing tinititigan ko siya ayaw na maalis mg mata ko sakanya.

"Ina?"

"Hmmm?"

"Miami Heat ka ba?"

"Why? Do I look like a Miami Heat? It's a team,right?"

"Hindi,kasi ano."

Napakagat ako sa labi ko,nakakahiya to.

"Kasi what?"

"Kasi kahit Miamo akong crush ikaw pa rin ang Heatinitibok ng puso ko."

Argh! Namula siya diba? Nakita ko yun!

"Still hindi ka pa rin loyal."

"Loyal kaya ako sayo."

"Miami ka nga crush diba,kung ako lang ang Heatinitibok ng puso mo edi dapat hindi ka na titingin sa iba."

Oh bars! Kasalanan yun ni Google e! Sa kanya ako nag search sana pala iba nalang. Badtrip wrong punch line. Sa susunod nga sa facebook nalang ako hahanap. Pero ang dami ring satsat ng babaeng to,halata naman na kinilig siya. Tsk,tsk babae nga naman.

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon