CHAPTER 12

1.2K 35 3
                                    

CHAPTER 12

Yanna's Point Of View

Andito kami ngayon sa gym. Dito daw kami magpapractice ei,sabagay malaki naman ang gym ng school na ito. Katulad kanina sa room ng nalaman nila na ako yung nerd na maganda na ngayon ay syempre nagulat din sila.

Kasalukuyan kami nagpapractice kung paano maglakad ng maayos. Sinabi din sa amin kung ano ano yung sosoutin namin. At saka syempre dapat daw handa kami sa performance na gagawin namin as a pair at mas lalo na sa question and answer.

Nagsiupuan kami sa floor at nakinig sa sinasabi ng nag t-train samin.

"Everyone deserve the crown,pero hindi pwede. Everyone deserve to be the Mr and Ms Campus,pero hindi rin pwede. Pero always remember na no matter what happen you can wear the crown. Dahil ang crown ay hindi lang sa pagandahan, minsan base ito sa attitude niyo. Tapos na tayo"
~•~•~•~•~•~

Mabilis natapos ang klase at ang practice namin para sa darating na event sa Mr and Ms Campus. Alam kong hindi madali pero kailangan para sa klase namin.

Andito ako ngayon sa bahay ni Paul. Magpapractice kasi kami ng ipeperform namin para sa contest.

"Anong gagawin natin?"

Hmm ano nga ba? Pwede naman sumayaw kaso parang masyado common na yun sa iba. Pwede rin naman mag poem kaso parang hindi naman yun hilig ng ibang tao.

Magaling ako kumanta,magaling din siya. Bakit di na lang kami kumanta tutal parehas naman kami biniyayaan ng magandang boses.

"Kanta na lang tayo"

"Why not. Pero anong kakantahin natin. Love song?"

"Pwede na rin"

Mag isip ako ng magandang kanta para sa ipeperform namin. Ano bang maganda? Broken hearted song? Kasi diba marami naman sawi ngayon sa pag ibig. Kaso parang ang bitter naman namin diba.

"Stuck by Darren Espanto"

"Sige nga kung ikaw magbibigay ng definition sa kantang yan. Ano?"

Syempre diba mas maganda kung yung kanta namin ay alam rin namin ang nais iparating nito.

"Walang husgahan ah. Ganito kasi sa tuwing pinapakinggan ko yan naiimagine ko na yung lalaki may gusto sa babae. Stuck,nakakatak or nandyan na. Parang yung babae di mawala sa isip nung lalaki. Tapos umaasa pa rin sya na sa huli ay sa kanya babagsak ang babaeng ito."

Naiyak ako. Geez! Now I know,kaya ko lang naman pinadescribe yun para malaman ko kasi english. Charot!

"Okay,then practice na tayo."

Syempre wala na ako masasabi,nasabi niya na lahat. Mamaya imbes na mag practice kami ay baka mapunta sa dramahan.

Nagpractice na kami kung kanino yung mga lines,inayos din namin yung boses namin atsaka syempre dapat kapag sweet lines na yung kinakanta namin dapat mag eye contact kami sa isa't isa.

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon