CHAPTER 1
Sa buhay ng tao walang perpekto. Pwedeng happily ever after na kayo, pwede rin hindi. Sa buhay kasi natin hindi lang puro saya ang mararanasan natin. May lungkot,sakit,at paghihirap na kailangan nating lagpasan. Ito ang oras na dapat tayo ay maging matatag, lalo na sa mga katotohanan na hindi natin inaasahan.
Yanna's Point Of View
"Yan bilisan mo nga diyan,ang kupad kupad mo gumalaw." sigaw niya sa akin mula sa baba.
Kahit kailan talaga napaka oa ni kuya. Tamad akong tumingin sa orasan namin at napairap,alas-syete palang ng umaga. Bakit ba kating kati to pumasok? Ano isang oras nanaman kami maghihintay doon sa loob ng school? Kung may choice lang talaga ako.
"I'm coming." walang buhay kong sagot habang hinahanap ang big eye glasses ko.
Oh! By the way I forgot to introduce myself, I'am Yanna Mae Tan but you can call me Yanna or Mae. Pwede nyo rin naman akong tawagin na Yan, kaso yung mga taong close ko lang ang mga tumatawag sa akin nun. I'am 17 years old soon to be 18,nag aaral sa Brixton University. Yun yung school na hindi tumatanggap ng mga mahihirap o ng scholar. Ewan ko ba kung bakit, big oppurtunity na rin kaya yun para madagdagan yung mga matatalino sa school. Tsaka para kahit papaano may makilala naman akong tao na hindi maaarte. Well may kaibigan naman ako,kaming dalawa lang talaga ang laging magkasama.
And who's that girl? Makikilala niyo rin.
"Bakit ba ang bagal bagal mo?" tanong ng napakagaling kong kuya na sobrang impatient. Pansin niyo ba na kanina niya pa ako sinasabihan ng ganyan o ako lang nakapansin? Nahiya pa siya sana pagong nalang sinasabi niya imbes sa ang bagal bagal. Parang timang,daig niya pa sila mommy.
"Kasi po ang aga aga pa sobra,paghihintayin mo nanaman ako dun ng isang oras? Anong gagawin ko dun? Tutunganga nanaman at hihintayin ang bawat tao na pumasok sa school? Kulang na lang maging guard ako dun."
Ganyan siya lagi,yung ang sarap sarap ng tulog mo tapos gigisingin ka ng 5:30 kasi dapat 7 palang asa school na. Yung imbes na pwede ka pa matulog ng isa pang oras pero hindi mo magawa kasi may epal na gigising sayo? Argh! Kung hindi lang ako nanghihinayang sa ibabayad ko sa taxi malamang pinauna ko na ito. Sayang din kasi,ano pang silbi ng sasakyan niya kung mag tataxi ako diba.
"Alam mo ikaw na nga nakikisabay nagrereklamo ka pa. And why don't you try to use that attitude sa school,kaya mo naman pala maging matapang. Bakit kailangan mo pang mag pa api?"
I forgot to tell you guys,I'am just a nobody person sa school. Yung whenever they will see me it's either iignore nila or mamaliitin. Minsan nga tinitignan nila ako na parang 'why is she here?' 'This kind of girl? She don't deserve to be here.' Yung alam mong tingin na hindi ka talaga belong sa kanila. Well that's their expectation na once na mayaman ka,maganda ka. You will not dress na parang laos sa style. Kasi mayaman ka,you can buy anything you want. You can buy clothes na sobrang mahal,you can use contact lense or what. Pero hindi kasi ako ganun na girl. I just want to be simple,hindi ko naman kailangan gumastos ng hindi naman sobrang importante. May nasusuot pa naman ako and I don't need to follow the trends. I'am the girl you never expected,I'am one of those girl na sobrang conservative.
BINABASA MO ANG
The Nerd
Teen FictionShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...