CHAPTER 44
Narrator's Point Of View
"Nakita ko ito sa bag ni Yanna. Para sayo yata yan,alis muna ako."
Inabot sa kanya ni Jerome kay Paul ang sobre na para sa kanya. Sulat iyon galing kay Yanna bago pa siya maaksidente. Binuksan niya ito at binasa.
Dear Paul,
Oh diba may pa dear pa! Special ka sakin e,so ayun hello sayo. Hindi ko alam kung nasa tabi mo pa ako pag nabasa mo ito,pero sana. Nakakatawa 'no,nag umpisa sa deadmahan tapos mauuwi sa ganito. Pero alam mo hindi ko ineexpect na hahantong tayo sa ganito. Kasi dati iwas na iwas ako sayo,di ko alam bakit. Pero pagkatapos ng pageant,nakilala kita. Nalaman ko na yung Paul na nasa isip ko ay ibang iba sa Paul na nasa totoong buhay. Yung akala kong masungit hindi pala. Yung akala kong seryoso,marunong din pala tumawa. At yung taong akala ko puro kagwapuhan lang alam,marunong din palang magbigay payo at inspirasyon sa iba. Pero ang wrong timing lang kasi huli na. Huli na kung saan narealize ko na mahal kita. Gusto ko itong pigilan kasi mahina ako. Pero wala,di ko mapigilan. Siguro nga kapag gusto ng puso mo, mahirap ng itigil ito. Alam mo ba na di ko gustong saktan ka. Alam mo ba na naiinis ako sa sarili ko dahil yung taong mahal ko sinasaktan ko. Masakit na mahirap,pero kailangan ko kayanin. Ayoko kitang itaboy,pero yun ang nararapat. Kasi ayoko na madamay ka sa sakit na nararamdaman ko. Mahal kita pero di ko kayang sabihin. Natatakot ako,ayoko kasi na baka maiwan kita. Ayoko ng nang iiwan,Paul. God knows how much I love you. Gusto kong bumalik sayo sa tuwing ako ay tumatalikod. Siguro nga hindi ikaw ang first love ko,pero ikaw ang last love ko. Sayo ko lang naranasan na mag isip ng future. Kanina sa rooftop,aaminin ko kinilig ako kasi concern ka sa akin kahit papaano. Pero naglaho lahat nung hinalikan mo siya. Paul nasaktan ako,oo hiniling ko yun pero Paul ang sakit pala. Masakit pala na tuparin mo ang mga wish ko habang nasa tabi mo ako. Sobrang sakit,na inisip ko na sana maging masaya kana. Okay lang na ako ang umiyak,basta makita ko ang mga ngiti sa labi mo. Okay na ako ang mawalan,as long as you're happy with her. Kasi yung ngiti mo ang nagpapasaya sa akin,kahit masakit. Paul I want to kiss you. I want to hug you. I want to be your wife. I want to be a mother to our baby. And I want to be with you forever. Pero hindi,kulang tayo sa panahon. Ayaw ni tadhana na magsama tayo. Basta always remember na mahal na mahal kita. Kapag nawala na ako,pakialagaan si kuya. Tulungan mo siya kay Ina,tapos si Alex tulungan mong maghanap ng true love. Si Drei,alam ko na may magkakagusto sa kanya at mamahalin siya kaysa sakin. Thank you,thank you kasi naging parte kayo ng buhay ko. Thank you kasi lagi ka andyan sa tabi ko. I love you.-Yanna❣
Puno ng luha ang pisnge ni Paul pagkatapos basahin ang sulat ni Yanna para sa kanya. Hinawakan niya ang mga pangungusap na parang kahapon lang sinulat niya ito. At niyakap na parang si Yanna yun.
"Yanna diba sabi mo gusto mong maging wife ko,gumising kana. Ang daming naghihintay sayo. It's been two months."
Tumingin siya sa kamang kinahihigaan ni Yanna at hinawakan ang kamay nito. Nung gabing dinala siya sa Emergency Room, akala ng lahat wala ng pag asa pero lumaban siya. Kinaya niya,pero yun nga lang two months na siyang nakahiga at ang mga nakakabit nalang sa kanya ang paraan upang mabuhay siya. Na comatose siya after that incident,at ang Leukemia niya nagagawan na ng paraan. Pero ang tanong hanggang kelan kakayanin niya lahat ng ito?
"Okay lang,hihintayin kita. Kahit gaano pa yan katagal hihintayin kita. Im always here for you,always."
Hinalikan niya ang kamay ni Yanna na walang buhay at tinignan ito. Ganun niya kamahal si Yanna na kahit ilang taon,ilang buwan,ilang araw at oras ay kaya niyang ito. Kasi yun ang totoong lalaki,kayang hintayin ang minamahal niya lalo na kung alam niyang may pag asa pa siya.

BINABASA MO ANG
The Nerd
Novela JuvenilShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...