CHAPTER 30

572 13 1
                                    

CHAPTER 30

Jerome's Point Of View

Ako ang nasasaktan para sa kapatid ko. Nasasaktan ako na nag kaganun siya,nasasaktan ako na sumusuko siya kasi ayaw niya kami mahirapan. Kakaiba talaga siya may sakit na siya pero mas iniisip niya pa rin kami.

"Rome where is Yanna?"

Tanong sa akin ni daddy pagbaba ko. Nakaupo siya sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo. Nakita ko naman si mommy na kakalabas lang sa kitchen at hinalikan ako sa pisnge. Ganito ka sweet ang mga magulang namin. Yung kahit sobrang busy sila sa trabaho ay hindi pa rin mawawala ang time nila sa amin. Lalo na kay Yanna na kailangan sila.

"I thought she was here."

Kadalasan kasi nauuna siya sa akin na magising kaya di na ako dumadaan sa kwarto niya para i check siya. Mabilis siya kumilos kasi ayaw niya malate. At ngayon na 30 minutes nalang ang kailangan namin para di malate. Nakakapanibago.

"Tinignan mo ba siya sa kwarto,rom?"

Umiling ako sa kanila. Kasi paano ko nga siya ichecheck diba kung alam kong nauuna siya dito

"Dad,hindi ba siya pumasok ng maaga?"

Kasi minsan rin pumapasok siya mag isa kasi naghihintay sa kanya si Ina.

"No,I didn't see her."

Agad akong tumayo at nagtungo sa kwarto ni Yanna. Ng makatapat ako sa kwarto niya ay agad ko ito kinatok.

"Yanna."

Tawag ko sa kanya pero walang response ni hindi niya man lang binubuksan ang pinto. May nararamdaman akong iba. Kinakabahan ako. Bumaba ako at tinawag ang isa sa mga katulong namin dito.

"Kamusta si Yanna."

Tanong sa akin ni mommy na katabi ngayon si daddy. Parehas silang nakatingin sakin at hinihintay ang sagot ko.

"Hindi niya binubuksan ang pinto,hindi rin siya nagreresponse sa tawag ko."

Ngayon pati sila mommy at daddy ay nag aalala na rin. Ng ibigay sakin ng isa sa mga katulong ang spare key ng susi niya ay agad akong umakyat. Sumunod din sila mommy at daddy. Nang mabuksan ko na ang pinto ni Yanna,pumasok agad sila mommy. Inopen namin ang ilaw at nakita namin si Yanna na balot na balot ng kumot.

"Yanna,baby are you okay?"

Umupo si mommy sa edge ng kama ni Yanna pero di pa rin ito kumibo.

"Yanna."

Tinanggal niya ang kumot neto at bumungad sa amin ang nanginginig na katawan ni Yanna.

"Oh my gosh,baby."

Niyakap niya si Yanna at lumayo siya agad.

"Ang init niya."

Hinawakan ko ang noo niya at para akong napaso sa sobrang init. Kinuha ko ang temperature sa cabinet at inipit ito sa underarm niya ito. Habanv si mommy ay kumuha ng pampunas sa kanya.

"Im staying dad,aabsent muna ako."

Nakita ko naman na umiling si Yanna at alam ko talaga hinding hindi siya sasang ayon sa ideya ko. Ayaw na ayaw niya talaga na nakaabala.

"Baby kuya will stay for you. Aalagaan ka niya."

Sabi ni daddy habang hinihimas ang buhok neto na nakalugay.

"N-no! D-daddy I c-can t-take care myself. B-beside andyan s-sila y-yaya."

Kung magmamatigasan pa kami sa kanya malamang sa malamang aabutan kami neto hanggang mamaya.

"Pero baby."

Tumunog na ang temperature kaya kinuha ko ito. 38° ang taas ng lagnat niya,fuck!

"Mataas lagnat mo Yanna,dito lang ako."

"H-hindi ako p-papayag. P-pasok ka."

Ang tigas talaga ng bungo.

"Sige pero uuwi ako agad. Ibibilin kita kela manang. Kumain ka at uminom ng gamot."

Tumango lang siya at inangat ang kumot papunta sa leeg niya. Hiniaan ko ang aircon para hindi siya lamigin.

"Rome aalis na kami ng mommy mo,may pagkain sa baba. Uuwi rin kami ng maaga for Yanna."

Inayos neto ang pagkakahiga ni Yanna saka lumabas. Inayos ko naman ang mga kalat sa kwarto niya at tinitigan siya. Blessing talaga siya sa family namin.

Pumasok si mommy sa kwarto ni Yanna at nilagay ang bimpo sa ulo nito.

"Ikaw na bahala sa kanya. Take care rome,iloveyou."

Hinalikan ako ni mommy sa pisnge tsaka umalis. Inayos ko ang bimpo neto sa ulo at hinalikan si Yanna sa pisnge.

"Uuwi maaga si kuya,iloveyou."

Lumabas na ako sa kwarto niya at hinayaan siyang magpahinga doon.

"Yaya pakibantayan si Yanna ah,mataas ang lagnat e. Pakainin mo po,tawagan mo nalang ako pag may problema."

Bilin ko sa kanya habang nilalagay sa isang plastick ang bread na ginawa ni mommy. Sa school nalang siguro ako kakain kasi baka malate na ako.

"Opo sir."

Nginitian ko ito at iniwan sa kitchen na nag aayos ng plato na pinag lagyan ng tinapay. Pumasok na ako sa kotse at mabilis itong pinaandar.

~*~

Tulad ng inaasahan ko madami nanamang babae ang nakaabang sa labas. Hindi ba sila nalelate,o hindi man lang ba sila napapagod. Halos araw araw nandyan sila,hindi ba sila marunong mapagod.

Diretso ang punta ko sa cafeteria, kasi alam kong andun sina Ina ngayon. Hindi lang naman si Ina,pati rin sila Paul.

Pagpunta ko doon nakita ko sina Paul,pero wala si Ina. Nasaan nanaman ba ang babaeng yun? Pagala gala talaga kahit kailan,may sa pusa ata yun.

"Bro,asan si Ina?"

Tanong ko sa kanila at umupo na. Kinuha ko ang sandwich sa bag ko dahil kumakalam na ang tyan ko.

"Seryosohan na talaga bro ah."

Tumatawang sabi ni Alex sa akin. Samantala kasi di marunong magmahal itong si Alex. Sino kayang malas na babae ang magpapatibok sa puso niyang malandi.

"Seryoso na nga kaya asan siya?"

Sinubo ko na ang sandwich na gawa ni mommy and as expected sobrang sarap nito. Wala talagang pinagbago sa luto ni mommy,lagi talagang masarap.

"Hinahanap si Yanna."

What!? Si Yanna nasa bahay,bakit niya naman hahanapin dito? Kahit kailan talaga. Minsan din talaga nararamdaman ko may kiti kiti sa pwet niya. Siya yung babaeng hindi kaya manatili sa isang tabi,gusto niya palagi gumala. Pag naging asawa ko talaga yung babaeng yun,lagi ko siyang ikukulong sa kwarto. Fuck! Kung ano ano na nasa isip ko. Shit!

"Wala si Yanna. May sakit"

Oh damn! Bakit ko nga ba sinabi sa kanila?

The Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon