CHAPTER 45
Paul's Point Of View
I dont remember you anymore. Gaano nga ba kasakit pakinggan yan? Sobra,nagsama kayo ng matagal. Pero sa huli biglang maglalaho na parang bula. Madaming tao ang gusto bumalik sa past kung sakaling may time machine lang. At isa na ako dun,hindi ko sila masisisi kasi may mga bagay nga naman sa nakaraan ang magpapasaya sayo at mahirap kalimutan.
Gaano na ba katagal? Two? O three years? Naka graduate na ako lahat lahat,hindi ko pa rin siya makalimutan. Siya pa rin talaga ang laman ng puso at utak ko.
Sa loob ng ilang tao marami ang nagbago. Si Trixie na dati kong ex masaya na kasama si Drei. Diba,akalain niyo yun si Drei naka get over agad kay Yanna. Paano niya kaya ginawa yun? Or should I say paano nila ginawa yun ni Trixie?
Si Alex,playboy pa rin pero may nagugustuhan na siya yun nga lang mahirap abutin. Ito na yata ang karma niya. Pero masaya ako sa kaibigan ko dahil sa wakas binuksan niya na ulit ang puso niya sa iba. Pati siya naka move on na rin.
Si Ina masaya,masaya silang dalawa ni Jerome. Hanggang ngayon sila pa rin,kahit may pag k childish si Ina natatagalan pa rin siya ni Jerome. Ang swerte nila sa isa't isa.
"Hey bro,musta lovelife? Nalalaos na ba ang kagwapuhan mo?"
Tumatawang umakbay sakin si Alex.
"Ikaw? Kamusta? Hindi ka pa rin pinapansin?"
Karma niya to,paano nafall siya sa isang tao na iniignore lang siya. Kahit anong gawin niya deadma. Nagpagwapo na siya,bumili pa ng mga bagong damit. At ang malala nagpagupit ang loko. See? Yan ang nagagawa ng love. Babaguhin ka talaga niya ng kusa.
"Ewan ko ba sa babaeng yun,ang sa akin naman lahat. Ano pa bang hanap niya?"
"Wala ka kasing effort."
Si Alex yung tipong pa gwapo ng pa gwapo pero hindi kumikilos. Pakitang gwapo sa babae pero wala man lang kasweetan sa katawan. Porma lang talaga ang maihaharap niya sa babae.
"Paano ba?"
"Bilhan mo ng bulaklak."
"Ayaw ng bulaklak ng babaeng yun"
Isa din yung nililigawan niya,parang lalaki. Wala siyang arte parang siga kung kumilos.
Tiningala ko ang langit na puno ang bituin. Totoo bang nakakatupad siya ng hiling. Kaya niya ba talagang matupad ang matagal ko ng gustong makamit. Sana nga,kasi mula noon hanggang ngayon iisa lang naman ang gusto ko. Siya,ang babaeng mahal ko.
"Bro halika na,pasok na tayo."
"Tingin mo babalik pa sya?"
Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatayo siya at nakapamulsa.
"Babalik yun para sayo."
"Pero hindi niya ako naaalala,hindi ko rin alam kung matatandaan niya pa ako."
"Natatandaan mo sinabi niya noon?"
*Flashback*
Aalis talaga siya. Magkakalayo nanaman kami. Lagi nalang ba hahadlang sa amin ang tadhana. Gusto naming maging masaya pero hindi pwede kasi laging may tumututol.
"Lumabas ka diyan."
Bungad sa akin ni Drei habang siya ay nasa pintuan ko.
"Para saan pa?"
"Para sa kanya."
"Nakalimutan mo ng bang hindi niya ako naaalala."

BINABASA MO ANG
The Nerd
Novela JuvenilShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...