CHAPTER 39
Yanna's Point Of View
"P-paul?"
Nagulat ako ng makita ko sina Ina at ang tatlong heartthrobs. Parehas sila ng reaksyon,mga hindi malaman ang reaksyon. Pero mas natuon ang pansin ko kay Paul na madumi ang suot at magulo ang buhok. Nakita ko rin na may pasa siya,ano ang nagyari?
Nagkatingin kami ng biglang itulak siya ng taong nasa likod niya."Yanna? Are you okay?"
Si Brix ang manloloko kong ex boyfriend. Sheme sheme! Lalapit na sana siya sa akin ng hinarang ni kuya ang katawan niya upang mapigilan ito.
"Oo okay lang siya. Alis! Hindi ka naman kailangan dito ah?"
Tumabi si Brix sa kambal niyang si Trixie at tumatawang humarap kay kuya.
"Oa mo kuya!"
Ganun pa rin siya tulad ng dati,makulit at mahilig asarin si kuya.
"Ulol hindi mo ako kuya!"
Napuno ng tawa ang room ko ng biglang pumasok ang doctor. Binigyan nila ito ng space para lumapit sa akin.
"Kamusta? May masakit pa ba sayo?"
Umiling ako at ngumiti sa kanya. Nakita ko na nakatingin ng seryoso si Paul sa doctor.
"Tatapatin na kita Ms. Tan hindi na masyadong maayos ang lagay mo ngayon."
"Doc wag muna,ayoko muna marinig ang sasabihin mo. Please"
Kailangan kong iwasan ang mga ganun dahil kapag narinig nila ay mag aalala sila. At ayoko ng ganun,okay na sa akin ang wala silang alam. Lumabas ang doctor,kasunod si kuya. Habang sila ay naiwan dito sa loob.
"What happen? Ang naalala ko umalis ka,tumakbo palayo sa akin."
Pahina ng pahina ang boses ni Paul habang ako ay hindi makatingin sa kanya. Ayokong makita ang mga mata niyang malungkot ng dahil sa akin.
"Bes are you really okay?"
Lumapit sakin si Ina at tinanguan ko siya. Okay naman ako,diba?
"Kumain na ba kayo? Alam ko hindi. So bibili lang kami"
Hinatak ni Drei sila maliban kay Paul. Kaya kami ang natira sa loob.
"Uhm."
Ang awkward ng lagay namin. Nasaktan ko siya,pero andito pa rin siya sa tabi ko,nag aalala. Nang may maalala ako,hindi ko na papatagalin ang issue na ito.
"Paul can I have a favor?"
Tumango ka sakin at umupo malapit sa kinahihigaan ko
"Pwede bang kalimutan mo na ang nararamdaman mo sa akin."
"Ha?"
"Forget me."
Nakangiti kong saad sayo para kahit papaano ay mapagaan ko ang kaganapan natin sa isat isa.
"How? Gustuhin ko man,pero ayaw ng puso ko. Ikaw at ikaw pa rin ang laman neto."
You cannot teach your heart to stop loving the person who hurt you.
Kasi kung mahal,mahal mo. Hindi mo siya matuturuan kung kanino titibok. Hindi mo siya matuturuan na magmahal ng iba,kung hindi ka pa talaga naka move on sa isang tao. Kasi ang feelings nagbabago,not now but soon. Kaya hindi ganun siguro kadali ang magdelete ng feelings kasi kahit isipin mo na hindi ko na siya mahal maaalala pa rin ng puso mo na siya at siya lang kahit masakit.
"Layuan moko,lets ignore each other."
That's the best way to forget his feelings for me. Kalimutan ang lahat na parang walang dumating sa buhay niya na nangangalang Yanna. Masakit pero yun ang dapat gawin dahil yun ang mas nakakabuti sa lahat lalo na sa kanya.
"Yanna walang ganyanan. Nireject mo na ako,okay na yun. Pero ang layuan at balewalain ka? Ibang usapan na yan."
"Listen to me Paul,para to sa ikakabuti mo."
"Ikakabuti ko ba ang masaktan dahil pilit akong pinapalayas ng taong mahal ko sa buhay niya?"
"Oo. Minsan kailangan mo masaktan para matuto. Madaming iba diyan Paul,hindi lang ako."
"Wala akong pakealam sa ibang babae. Ikaw lang Yanna,ikaw lang ang gusto kong babae!"
This time alam ko galit na sya,namumula na siya. Nakakuyom na ang kamao niya at diretsong nakatingin sakin.
"Si Trixie,mahal ka niya Paul. Mas deserve ka niya kaysa sa akin."
"Pero nasaktan niya ako-"
"Ako din naman,nasaktan kita ng paulit ulit sa araw na ito at ayaw ko na madagdagan pa iyon. Kaya please leave me alone."
"Bakit? Ito ba ang kapalit sa pag amin ko sayo? Kung ito lang naman pala sana hindi na ako nagtapat sayo. Sana tinago ko nalang siya,kasi ang sakit."
Nasasaktan din ako. Pero hindi ko masabi ang mga katagang yan.
"Hindi kita mahal Paul."
Hindi kita mahal. Tatlong salita pero ang sakit pakinggan. Tatlong salita pero ang laki ng epekto sayo.
"Pero hindi iyan ang sinasabi ng mga mata mo."
"Paul h-hindi-"
"Tama na,wag mo na ulitin. Kasi sa unang banggit mo pala hindi ko na kaya."
Luha,luhang tumutulo sa mga mata niya. Gusto kong punasan pero hindi ko kaya kasi alam ko na ako ang dahilan ng bawat pagpatak niyan.
"Yanna ano ba ang gusto mong mangyari?"
Ano nga ba talaga ang gusto ko? Maski ako naguguluhan.
"Ang bumalik ka kay Trixie at magpakasaya."
"Pero paano ako sasaya kung hindi ikaw ang katabi ko,ang kasama ko."
"Kaya mo,hindi mo pa nga nagagawa e."
"Hindi ko kaya Yanna."
"May tiwala ako kay Trixie,alam kong mamahalin ka niya ng sobra. Alam kong siya yung babaeng hindi ka susukuan agad. Yung babaeng papasiyahin ka habang buhay at bubuo ng pamilya."
"Hindi ba pwedeng ikaw na lang yung babaeng yun?"
Umiling ako sa kanya. Kasi hindi naman talaga pwede,imposibleng mangyari. Bubuo ng pamilya,kasama ako? Makakaabot pa ba ako dun? Baka nasa kalagitnaan palang kami ng pagmamahalan,wala na ako. At alam ko na hindi ko siya mapapasaya,kasi ang dami kong problema at nararamdaman. Ma s-stress lang sya sa akin.
"Give me one reason kung bakit hindi pwedeng maging ikaw ang babaeng tinutukoy mo Yanna."
"Kasi hindi ko na kaya."
![](https://img.wattpad.com/cover/96674308-288-k961765.jpg)
BINABASA MO ANG
The Nerd
Teen FictionShe is Yanna Mae Tan. Isang babae na nerd at nabubully dahil sa itsura niya. They say that beauty is important pero kay Yanna kindness is important. Kahit siya na mismo ang nahihirapan at nasasaktan tatanggapin niya,wag lang masaktan ang mga taong m...